DEAR STRANGER CHAPTER 22: A Date With A Stranger BUMUNGAD sa aking mukha ang liwanag sa labas mula sa bintana ng aking kuwarto. Hindi ko pala natakpan iyon ng kurtina kagabi dahil nag-enjoy ako na pagmamasdan ang mga bituin sa langit mula roon. Iniangat ko ang aking kamay at saka tinakpan ang sikat ng araw na sumisilaw sa akin at tumingin sa labas. Umaga na pala. Thank You, Lord, for this another beautiful morning. Isang ngiti agad ang sumilay sa aking mga labi nang pumasok sa isip ko na bawat paggising natin sa umaga ay counted as blessing mula sa Itaas. Idagdag pa na iyon na ang araw ng muli naming pagkikita ni Mr. Stranger. What a beautiful day! Bumangon na ako sa aking higaan at saka pumunta sa c.r. para maghugas ng aking mukha at mag-toothbrush. Balak ko na kumain muna ng break

