DEAR STRANGER CHAPTER 7: Perfect strangers MAAGA akong gumising nang araw na iyon, may Worship Service kasi kami sa church ng nine ng umaga at mapapagalitan ako ni lola kapag na-late kami dahil Sunday ngayon. Three days na rin nang makita kong muli si Mr. Stranger. Katulad nang sinabi niya ay hindi na nga siya bumalik pa sa café pero hinihintay ko pa rin siya. Kahit pa, hindi man lang niya pinansin ang note na ibinigay ko sa kanya ay walang makakapigil sa akin. Hindi susuko ang ateng mo. "'La! Mamaya po palang hapon ay pupunta po ako sa café. May nakalimutan po kasi akong gamit na naiwan ko po roon," paalam ko sa matanda habang kumakain kami ng breakfast na inihanda nito. "Osiya sige. Ikuha mo rin pala ako ng isang bag ng tea roon at paubos na ang stock natin dito, ibawas mo na lang

