DEAR STRANGER CHAPTER 6: Talking with a stranger PUMASOK ako sa stockroom kung nasaan si Claire, sinalubong naman ako ng babae na bakas ang kilig sa mukha. "Sis! Si Mr. Stranger iyon, hindi ba?” “Oo. Siya nga, Claire.” “Natagpuan mo rin siya! Mission success tayo!” Niyakap siya nito. “At ang pinakamahalaga talaga ay ang pogi niya, Sis! Walang tapon!” dugtong pa nito na kilig na kilig. “Loka ka talaga!” Napatawa siya. “Nagsasabi lang ako ng totoo, ano! Push na tayo riyan kay Mr. Stranger!” Napailing-iling siya. Basta kasi guwapo ay pasado na agad sa kaibigan. “Ibig sabihin pala ay totoo ang nakikita ng mga mata ko?” “Oh, bakit? Hindi mo ba siya nakilala?” tanong nito na may halong pag-aalala. “Hmm... I mean," napahinto ito sa pagsasalita. “Nakilala ko siya. Nakikita ko ng malinaw

