Chapter 4

2124 Words
DEAR STRANGER CHAPTER 4: Meeting a Stranger   TUMAKBO ako at sinundan ang lalaking nakapayong na black. "Wait!" sigaw ko pero patuloy lang ito sa paglalakad. Hinihingal na ako pero binalewala ko iyon. I want to talk to him. “W-Wait lang!” Hindi ko alam ang pangalan niya kaya hindi ko rin alam kung papaano ko ba siya tatawagin. Ayoko namang palampasin ang pagkakataong iyon na makita siya ulit kahit pa natatakot ako sa posibilidad na hindi ko siya ma-recognize… sa posibilidad na nagkamali lang ang mga mata ko no’ng araw na makita ko siya. "Lalaking nakapayong!" sigaw kong muli. Napatingin naman ang ibang mga lalaki na nakapayong rin sa akin sa may daan dahil doon. Kahit na nakakahiya ay ininda ko na iyon matawag lang siya, si Mr. Stranger. Saka ko na iisipin ang kahihiyan. Ang importante ay siya. "Lalaking nakapayong! Iyong may hawak ng black na payong!" dugtong ko. Huminto nga ang lalaki sa paglalakad at saka ako tumakbo palapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit napakabilis ng t***k ng puso ko ng sandaling iyon. Kung dahil ba iyon sa pagtakbo ko o dahil sa kaba na makita ko siyang muli. Halo-halo na. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. "Ako ba, Miss?" tanong ng lalaki sa akin nang humarap ito. Hindi ko siya agad tiningnan. Kinakabahan kasi ako na baka hindi ko siya makilala. Napalunok ako. Taimtim akong nagdarasal sa isip ko na nawa ay ma-recognize siyang muli ng mga mata ko. Huminga muna ako ng malalim at saka ko iniangat ng dahan-dahan ang mga mata ko upang silayan na ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Saglit na tumigil ang pagkilos ng buong paligid ko. Ipinilig ko ang aking ulo at inaninag ko ang kanyang mukha ng maigi. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko dahil… hindi ko siya makilala. Bakit hindi ko siya makilala? Bakit gano’n? I felt like I’ve never seen him before when he’s the guy I’ve been looking for. Just like when everyone looked similarly blank to me, he looked like a complete stranger. Tila gumuho ang gabundok na pag-asa kong makakilala ulit nang hindi siya ma-recognize ng mga mata ko. Akala ko pa naman ay mayroon na akong makikilalang mukha kahit isa lang siya. "Miss? Ako ba ang tinatawag mo?" tanong nitong muli pero hindi ako makapagsalita. Hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita pero nanatili akong nakatingin lang sa kanya. Umaasa ako na baka nag-a-adjust pa ang mga mata ko kaya hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. “S-Sorry po… M-Mali…” Napakagat ako sa aking ibabang labi. Hindi ko siya makita. Hindi ko malala ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa ulan o dahil sa luha na unti-unti nang namumuo sa aking mga mata o dahil hindi ko na lang talaga ma-recognize pa ulit ang mukha niya. "Weird," narinig kong sambit ng lalaki bago ito lumakad palayo sa akin. Hindi ko na siya hinabol, wala rin namang salitang lalabas pa sa bibig ko. Naiwan ako roon sa gilid ng kalsada na nakatayo. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan. Tila nakikiramay ito sa nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Akala ko ay may makikilala na ako. Akala ko ay makakakita na ako kahit siya lang sana. Maya-maya ay naglakad na ako pabalik sa café. Nanatili akong nakayuko dahil mabigat ang pakiramdam ko sa kalungkutan. Sigurado akong malulungkot din si lola kapag nalaman nitong hindi ko na-recognize ulit si Mr. Stranger. Gayon din si Claire. Hanggang sa makabunggo ako at napaupo sa may kalsada. Hindi ko na napansin na may kasalubong pala ako sa daan sa sobrang lungkot na nararamdaman ko. "S-Sorry!" agad akong humingi ng paumanhin. Nakita ko ang kamay niya na iniabot sa akin para tulungan akong makatayo. Nahihiya man ako ay tinanggap ko iyon at tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kalsada sa tulong ng taong nasa harapan ko. "Salamat..." sabi ko nang hindi tumitingin sa lalaking iyon. Alam ko rin naman kasing hindi ko siya makikilala kaya bakit ko pa susubukang tumingin sa kanya? Lalo lamang akong malulungkot. "Bulag ka ba at lagi ka na lang hindi tumitingin sa dinaraanan mo?" singhal ng lalaki. Bulag? Hindi ako bulag pero bakit parang ganoon na rin ang pakiramdam ko? Feeling ko, nag-iisa lang ako. Feeling ko nasa ibang mundo ako. "S-Sorry, masama kasi ang pakiramdam ko kaya naman hindi kita napansin," sagot ko na lang sa lalaking nasa harapan ko. Wala kasi akong energy na makipagbangayan pa sa kanya o kaninuman ngayon. Gusto ko nalang sanang umuwi kay lola at magpahinga. Gusto ko nalang matulog at kalimutan na may isang tao na nakilala ang mata ko. "Take this." Iniabot niya ang hawak niyang payong sa akin na ikinagulat ko. Hindi ko iyon inaasahan mula sa kanya dahil sa pagalit na salita niya sa akin. "Ha?" Late na iyon na-process ng utak ko. Ang bait naman niya? "Bingi ka rin ba?" inis na tanong niya sabay hatak ng kanang kamay ko at inilagay roon ang tangkay ng payong na hawak-hawak niya. "P-Pero—" naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang tumalikod at naglakad palayo ng walang sabi-sabi. "S-Salamat po!" habol kong isinigaw pero hindi ako sigurado kung narinig pa niya iyon. Tiningnan ko lang ang likod ng lalaking iyon hanggang sa siya ay makalayo sa kinaroroonan ko. Kung hindi siguro ako nagkaroon ng face blindness, eh, ‘di sana hindi lang puro likod ang naaalala ko sa mga taong nakakasalamuha ko. Eh, ‘di sana hindi ako nahihirapan ng ganito. Just like before. Narinig ko ang mga bulungan ng mga estudiyante sa paligid ko habang palakad ako papunta sa classroom namin. Sigurado akong kalat na ang balita na may face blindness ako sa mga kaklase ko. Dalawang-araw akong hindi pumasok simula nang magpa-check-up ako kasama si lola. Na-shock ako pero matagal ko nang napapansin na may mali sa mga mata. Every student at school looked the same to me, literally all of them, just as every people I’ve met always does. “Hoy, Pauline! Totoo bang may sakit ka sa mata?” tanong ng isa sa mga classmate ko. “Iyong ano ba iyon? F-Face blind?” “Face blindness!” sagot ng isa pang lalaki na nasa tabi nito. “Ayon, face blindness! Hindi ka raw nakakakilala ng mukha?” usisa pa nito. Tumango lang ako bilang sagot habang nakayuko. Natatakot na kasi akong humabilo sa maraming tao nang malaman ko ang tungkol sa disorder ko. “Paano kaya iyon, ano? Ang weird ng ganoon,” dugtong ng isa. “Ibig sabihin, hindi mo talaga nakikita ang mukha namin? Kahit malapit?”kulit nito sa akin. “Subukan natin! Tingnan mo nga ako at i-describe mo ang mukha ko, dali!” utos ng katabi nitong lalaki. Umiling ako. “Subukan mo lang kung makikilala mo ako, ano bang mahirap doon?” ani pa ng lalaki na hinawakan ang baba ko at pilit na inaangat ang mukha ko para tingnan siya. “A-Ayoko!” sigaw ko. “Ang kj mo naman!” “Oo nga!” Nararamdaman ko ang maraming mga mata na nakatingin sa akin sa paligid ng mga sandaling iyon. I was starting to realize that my visual world is a lot different from everyone else’s. I can see their eyes, nose, and mouth but I can’t recognize whose face belongs to whom. Hindi ko maalala. “Tigilan ninyo nga iyan!” sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko. Hindi ako lumingon dahil sigurado akong hindi ko rin naman siya makikilala. “Sinabi niyang ayaw niya, hindi ba?” “Ano bang pakialam mo?” sagot naman ng nasa harapan ko. “Hindi ninyo ba napapansin na tinatakot ninyo siya? Isusumbong ko kayo sa advisor natin, kapag hindi pa kayo tumigil,” saad nito. Hindi na umimik ang dalawang lalaki at tumigil na rin ang mga bulungan sa paligid. Aalis na sana ako para umuwi na lang nang naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa kaliwa kong braso at hinila ako palayo roon. Hinihingal ako nang huminto kami sa labas ng building, sa may likod. “Ayos ka lang ba?” tanong niya nang bitiwan na niya ang kamay ko. Nanatili akong nakayuko. Hindi ko  “Oo. T-Thank you.” “Kapag lumapit pa sila sa iyo at kinulit ka nila, sabihin mo lang sa akin. Ipagtatanggol kita,” ani niya. Napaangat tuloy ang tingin ko dahil sa narinig mula sa kanya. “C-CJ?” tawag ko. Sabi niya, hindi niya ako crush pero bakit niya ako tinulungan ngayon? Doon ko lang na-realize na ang boses ng lalaking nasa harapan ko ngayon ay ang lalaking nag-confess sa akin no’n sa hospital. “Ikaw nga ba si CJ?” tanong ko. Natatakot ako… kung totoo pa ba iyong imahe na nabubuo ng mga mata ko o hindi. Hindi ko maalala kung siya nga ba si CJ o iba pa. Nabalik ang diwa ko nang marinig ko ang sigaw ni Claire. Hindi ko alam kung bakit biglang bumalik sa ala-ala ko ang parting iyon ng nakaraan ko. "P-Pau! Basang-basa ka!" nag-aalalang inabutan ako ni Claire ng bimpo nang makabalik ako sa café. Umupo ako sa isang silya roon na mabigat ang pakiramdam. "Hindi ko siya nakilala, Claire..." malungkot kong balita sa kanya kahit hindi pa niya ako tinatanong. "Ahmm… ayon na nga, may kasalanan ako sa iyo, Pau," sabi nito. "Bakit?" takang tanong ko habang pinupunasan ng bimpo ang basang-basa kong buhok. "Hindi pala si Mr. Stranger iyong nakita ko kanina. Kamukha lang pala niya iyon," paliwanag ni Claire. "Ha? Paano mo naman nalaman na hindi siya iyon?" Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa balita niya. May pag-asa pa ako! "Dumaan kasi siya rito, kaso nailigpit na ni kuya Tim sa loob iyong ino-order niya kaya hindi na siya nakabili pa. Pasensiya ka na talaga, Pau, akala ko talaga ay siya ang lalaking dumaan kanina," paghingi nito ng paumanhin sabay kawit ng braso niya sa braso ko. "Dumaan siya rito? Ngayon lang?" "Oo. Medyo matagal na rin. Hindi ko naman kasi alam na malabo na pala ang mga mata ko, sorry na talaga. Huwag ka na magalit sa akin," dugtong pa niya. "Hindi ako galit, Claire. Okay lang iyon," tugon ko. "Talaga?" Tumango ako. "Naalala mo ba kung anong kulay ng damit niya? Kung ano ang itsura niya? May dala ba siya? May payong ba siya? Ano?" sunud-sunod na tanong ko. "Teka, mahina ang kalaban." Saglit itong nag-isip. "Hmmm, naka-gray siya na t-shirt tapos naka-jeans, at may payong din siyang bitbit," sagot niya. "Naka-gray, naka-jeans at may payong na dala..." Inalala kong maigi kung may nakasalubong ba akong lalaki kanina sa daan na ganoon ang suot. Hindi ko na kasi masyadong napansin pa ang mga taong nasa paligid ko dahil sa sobrang lungkot. "Oh! Iyan! Katulad ng payong na iyan. Itim din." Itinuro ni Claire ang payong na dala ko. Saka ko lang naalala ang pangalawang lalaking nagpahiram sa akin ng payong kanina. "Oh my gosh! Claire! I met him! Si Mr. Stranger... I met him again!" bulalas ko. Siya ang lalaking iyon, hindi ako puwedeng magkamali. Siya ang lalaking nagpahiram ulit sa akin ng payong. "Sigurado ka ba?" gulat na tanong nito na makikita mo sa mata ang excitement. "Oo, nakasalubong ko siya kanina pero..." "Pero?" "Hindi ko siya natingnan," sagot ko na napabuntong-hininga. Sayang. Sana pala ay tiningnan ko siya. Sana pala ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na tingnan siya. Napangunahan kasi ako ng takot. Takot na baka umasa na naman ako. "Okay lang iyan, sigurado naman na magkikita ulit kayo ni Mr. Stranger bukas," paniniguro nito. “Huwag ka na mag-alalala pa.” "Kung babalik pa siya rito... paano kung hindi na?" sagot ko ng may halong kalungkutan. "May nakalimutan pa pala akong sabihin, Pau." "Ano na naman?" Kinakabahan na siya sa tuwing may pahabol na sasabihin ang kaibigan. "Sabi niya ay babalik siya bukas para bilin iyong Espresso Matcha Latte na ino-order niya," nakangiti nitong sabi sa akin. "Makikita mo na siya bukas, Sis! I'm so happy for you!" Excited itong yumakap sa akin. “Hindi ko na ito papalampasin!” “Oo, Sis! Go na tayo para ma-meet si Mr. Stranger!” Napayakap na rin ako sa kanya sa tuwa. Kung kanina ay abot langit ang kalungkutan ko, ngayon naman ay abot langit ang kasiyahan ko. Hindi man ngayon ang tamang panahon nang muli naming pagkikita, alam ko, naniniwala akong magkikita rin kami. Sa tamang panahon, sa tamang oras. PAPA G, ipahintulot Ninyo na pong makita ko siya bukas!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD