Chapter 20

2995 Words

DEAR STRANGER CHAPTER 20: Name Of A Stranger   “IT’S me… CJ,” pakilala ng lalaking nasa harapan niya. Tama ba ang narinig ko? Medyo maingay kasi roon kaya naman nagbabakasali ako na hindi nga iyon ang narinig ng dalawa kong tainga mula rito. Siya nga ba si CJ? Ayaw ko man na aminin na ito nga ang lalaking napagkamalan kong may crush sa akin noon ay hindi ko naman maikakaila na ito lang din ang natatandaan ko na CJ ang pangalan. Hindi ko naman kasi ma-recognize ang mukha nito. Kahit nga noon ay hindi ako sigurado kung sino ba talaga ang lalaki. Hindi rin ako makapaniwala na magkikita kaming muli sa ganitong pagkakataon. “Oh! N-Naalala ko na. Ikaw iyong classmate ko no’ng high school, tama ba?” Pinilit kong siglahan ang aking boses. Sa totoo lang ay nahihiya pa rin ako sa kanya dahil a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD