Jessica Quinn’s POV Tinignan ko ang sarili ko sa rear-view mirror at sinuklay ko pa ang buhok ko bago ko lumabas ng sasakyan ko dala ang pink envelope na regalo ko kay Yeri. Nasa labas pa lang ako pero rinig na rinig ko na ang ingay sa loob ng bahay ni Jessica. I’m wearing a pink fitted dress na hanggang taas lang ng tuhod ko ang haba at sa loob ay ang pink two-piece swimsuit ko. Wala naman na talaga kong balak na pumunta rito dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakausap si K. Wala pa rin siyang paramdaman sa akin pero ayoko naman na tumigil na lang ang lahat sa mundo ko dahil sa bigla niyang paglalaho sa buhay ko. Kaya ito ako ngayon at may ngiti sa labi ko na pumasok sa loob ng bahay ni Yeri. “Hi Jessica!” bati agad sa akin ni Sharon. “Hi…” Hinalikan ko ang pisngi niya at hi

