Jessica Quinn’s POV “Iha, kumain ka na.” Napatingin ako kay daddy na nakaupo sa tabi ko rito sa kama ko at tumango lang ako sa kanya. Hindi ko pa gustong kumain at palagi lang akong nandito sa loob ng kwarto ko. Ni hindi ko na magawang pumasok dahil sa nangyari sa akin sa party na ‘yon kaya hindi na rin akong maiwan ng parents ko. “Kailangan mong pumasok sa university, Jessica,” mahinahong sambit sa akin ni Mama. Pero wala na kong balak na pumasok pa. Wala na kong mukha na maihaharap dahil sa nangyari sa buhok ko. Pwede naman akong mag-wig pero sigurado ako na pagtatawanan lang ako nila Yeri kapag nakita nila ko. Ayokong lumabas ng bahay. “Ayoko ng pumasok, mom,” mababang boses na sambit ko. "If that's what you want, it's fine, Jessica," Dad said. "I'll talk to the dean about you

