Jessica Quinn’s POV Hinatid ako ni Klaus dito sa University. Wala naman akong pasok pero rito kami magkikita ni Astrid para sa gagawin namin na project. Kaya naman nandito ako ngayon sa library at nakaharap sa screen ng computer dito habang iniisip kung ano ba ‘yong sinasabi sa akin ni Klaus kahapon. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ‘yong tinitigasan. Tinitigasan siya saan? Okay lang kaya siya? Hindi ko na kasi makalimutan ang tungkol doon. “Hey…” mababang boses na saad ng babaeng boses sa gilid ko. Napalingon kaagad ako at nakita ko si Sharon. Ngumiti agad ako sa kanya at naupo siya sa swivel chair na nasa tabi ko. “Buti na lang nang mag-text ako sa’yo na magkita tayo, nandito ka,” mahinang sambit niya dahil nasa library kami at bawal ang maingay rito. “May regalo ka na ba par

