Jessica Quinn’s POV “Jessica, iisipin mo na lang ba ‘yong tungkol sa lalaking ‘yon? Sa Hofs na ‘yon?” Mula sa noodles ko umangat ang ulo ko at sinalubong ng tingin ko ang mga mata ni Astrid. Inirapan niya agada ko at sumubo sa spring rolls niya. “Sino ba ‘yon? ‘Yong lalaking gusto mo?” tanong pa niya. “No,” mabilis na tanggi ko. “Kaibigan ko ‘yon. Nagulat lang ako na kasal na siya dahil hindi naman niya sinabi sa akin—” “Tsk,” asik agad niya. “Bakit ba parang lahat na lang ng kaibigan mo, may sira ang ulo? Hindi mga pagkakatiwalaan ang nasa paligid mo. Bakit ba kasi tanga ka?” sarcastic pa na tanong niya sa akin. Napailing na lang ako dahil ito na naman siya sa pagiging pranka niya. Hindi naman ako naapektuhan sa sinabi niya dahil mas malalim pa rin ang pag-iisip ko tungkol kay Je

