Jessica Quinn’s POV Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang tungkol sa sinabi ni K sa akin. Gusto ni Kuya na pakasalan ko si Jeremiah pagka-graduate ko. Gusto ko agad na kausapin si Jeremy tungkol doon pero itong si K naman, gusto niya na siya na ang bahala sa lahat. Hindi ko naman alam kung anong gagawin niya o kung anong balak niya kay Jeremiah. Kinakabahan lang talaga ko dahil baka mamaya kakaiba ang gawin ni K sa kanya. “Jessica.” Napalingon kaagad ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Yeri kaya napatayo ako sa kinauupuan kong silya dito sa cinema room. Ngayon ko na lang ulit siya nakita at mukhang umo-okay na ang mukha niya. “Hey…” mababang boses na bati ko sa kanya. “Pwede ba kitang makausap?” mahinhin na sambit niya. Napatingin ako sa mga gamit ko sa ibabaw ng lamesa at

