Jessica Quinn’s POV "Did she apologize?" Mula sa pagkaing nasa harapan ko, inangat ko ang tingin ko para salubungin ang mga mata ni Klaus dahil sa tanong niya sa akin. As I look into Klaus almond-brown eyes, I can't stop admiring him. Minsan nakakatakot tumingin ang mga mata niya pero minsan ‘yon din ang pinakamagandang pagmasdan. “Oo…” mababang boses na sagot ko at tumingin na muli sa pagkain ko. Nag-sorry nga sa akin si Yeri pero parang masama pa rin ang loob niya at parang hindi pa bukal sa loob niya ang paghingi niya ng sorry sa akin. Kaya hindi ko rin alam kung dapat pa bang tawagin ‘yon na sorry pero sinabi ko na lang kay Klaus para matapos na. Gusto kong tigilan na niya sila Yeri dahil sa nakikita ko sa kanya, kapag hindi siya tumigil siguradong mawawala talaga sa pamilya ni Y

