Jessica Quinn’s POV Dahan-dahan na sumilay ang ngiti sa labi ko nang maramdaman ko ang paghalik ni Klaus sa buong mukha ko nang paulit-ulit. “Wake-up, baby.” Minulat ko ang mga mata ko at ang halik agad ni Klaus sa labi ko ang sumalubong sa akin. May pasok pa nga pala ko. Tinatamad akong bumangon pero kailangan dahil may klase ako ngayon. Mabuti na lang isa lang ang klase ko ngayon kaya makakauwi rin agad ako. “What do you want for breakfast?” Klaus asked me. “Eggs,” nakangiting sagot ko at naupo na sa kama niya. Bumagsak sa ibabaw ng hita ko ang kumot at napatingin ako kay Klaus, ngayon ko lang napansin na bihis na bihis siya. Suot niya ang isang suit and tie— formal na formal siya ngayon. “May pupuntahan ka?” nakangiting tanong ko agad sa kanya. “I have a short meeting with

