Chapter 3

1528 Words
Isang linggo ang nakalipas (1992) Jasper's POV "Agatha!" sigaw ni Paulo. Pagkalipas ng halos isang linggo, nahalinhan naman akong nakaginhawa ng maluwag dahil nakapasok na si Agatha matapos akong mag-alala sa kaniya ng ilang araw. "Oh, ariyan pala kayo!" sagot niya sa amin habang nakangiting kumakaway. Hindi ko maiwaglit na parang ang init naman ata ng panahon para mag 'long sleeve' sa loob ng campus namin. Eh Community College (Bertin Community College) lang naman ang paaralan namin para pag lagyan ng aircon sa room. Ang tanging di-aircon lang ang room ay ang computer lab at library. Bakit ka naka 'long sleeve'? May lagnat ka ba? O trip mo lang? Lumapit kami sa kaniya para mangumusta. "Kumusta? Halos isang linggo ka rin di nagpakita ah" ika ni Paulo sa kaniya. "Ah, pasensya na, may kailangan lang asikasuhin." sagot naman ni Agatha. Hindi ko maiwasang hindi isipin ang huli naming pag-uusap, ni-hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Gayun din naman ang aking kahihiyan sa mga sinabi ni Paulo sa nakaraan naming panayam. Tiningnan ako ni Agatha nang may pagtataka habang nakangiti. Siguro'y naramdaman niya ang aking pagka-ilang. "Okay lang yun, Jasper. Naiintindihan naman kita, kung bakit mo nasabi iyon sa akin" ika niya sa akin habang naka ngiti. Sa totoo lang, hindi ko rin mawaglit at maitatanggi na masaya akong hindi na siya katulad ng dati, hindi na siya masungit at palaging nakasibangot na parang napapaligiran siya ng kalungkutan at kadiliman na siyang dahilan kung bakit siya palaging napapaaway at nababansagang 'maldita'. Mas maganda ka kapag naka-ngiti lagi. Nagtaka naman itong si Paulo at nagtanong. "Bakit? Anong ginawa nitong gamol na ito sa'yo" tanong ni Paulo. Tukmol! ikaw ang gamol sa'ting dalawa. "Ah. Wala naman." sagot niya kay Paulo ng nakagalak. Ang ganda mo pag ganyan ka kasaya lagi. "Baka nagkakamabutihan na kayo nang hindi ko nalalaman ah. Ni-hindi pa nga ko nakaka-score sa'yo, marami ka nang manliligaw na iba." biro ni Paulo. Ulol, bisyo pa. "Baliw, walang ganon" ika ni Agatha habang nakatawa. I feel relieved seeing you like that. Nagdadalawang isip akong itanong sa kaniya kung anong nangyari sa kaniya sa nakaraang linggong nawala siya. Ngunit nang masasambit ko pa lamang ang aking sasabihin... "Oo nga pala, ano bang nang-" sambit ko. Nang may sumigaw sa pangalan niya... "Agatha! Tara na't mahuhuli tayo sa klase." sigaw ni Camille habang papalapit kay Agatha. Camille Madrigal, BSED Major in Mathematics. Kalog, walang pakialam sa mundo ngunit busilak ang puso, anak ng may-ari ng isang companya (M.D. Enterprise), unang naging kaibigan ni Agatha nang tumungtong ng kolehiyo. Bakit nga ba dito din 'to nag-aral sa Bertin Community College eh may kaya naman din sila para mag-aral sa ibang mas magandang unibersidad. "Ariyan na si Sir Peralta! Dalian niyo!" sigaw naman ni Cerella. Cerella Cañezares, BSED Major in Mathematics. Kaibigan at kaklase din ni Agatha, anak ng pulis at professor sa Bertin Community College, maliit ngunit malaki ang puso, matalik na kaibigan ni Camille na siyang dahilan upang maging magkaibigan na rin sila ni Agatha. Parehas sila ni Camille, mga boang. Hinila ni Camille ang braso ni Agatha at dali-daling pumasok sa klase nila kay Sir Peralta. Nakita ko ang pag aalangan ni Agatha habang hinihila ni Camille ang kaniyang braso. Parang may iniindang sakit at pinagpapawisan. Bakit kasi pa 'long sleeve' 'long sleeve' pa? Ako ang pinagpapawisan sa'yo, abnoy. "Kita-kits na lang!" ika ni Agatha sa amin habang papalayo. Bahagya naman kaming kumaway sa kaniya. Cafeteria (1992) Habang kumukuha ng pagkain, gulat akong may tumabig sa aking braso. Si Agatha. "Oy,kumusta? Ano ulam natin ngayon?" sambit niya sa akin. Close tayo? "Ah, ikaw pala. Ito adobong manok lang tsaka 'mashed potato'." sagot ko naman habang nakakamot sa batok at hawak ang tray. Nakakapanibago ka parin at hindi ko maiwasang hindi mapansin yun. Inantay ko na lamang siyang makakuha ng pagkain at naupo sa bakanteng hapagkainan sa cafeteria. Bahagya siyang lumilingon-lingon sa kung saan saan na parang may hinahanap. "Asan nga pala si Paulo? Hindi ba siya sasabay sa atin?" tanong niya sa akin. "Ah hindi eh, may aasikasuhin daw kasama mga kaklase niya." sagot ko naman sa kaniya. Habang kumakain, di ko pa rin maalis sa aking isipan ang mga nasabi ko sa kaniya nung nakaraang linggo. "Agatha" sambit ko sa kaniya ng malumanay. "Po?" sagot niya sa akin. "Gusto ko lang sana mag-sorry sa mga nasabi ko nung nakaraan." ika ko sa kaniya ng may pakikiusap. "Ah, okay lang. Sabi ko nga naiintindihan ko naman yun." sagot niya sa akin. Hindi ko talaga sinasadya yun. "Pasensya na talaga." sambit ko sa kaniya. Ngumiti siya sa'kin bilang sagot at ngumiti naman din ako sa kaniya. Nang humagilap nanaman sa aking isipan ang kaniyang pinsan na si Natalia. Nag akma nanaman akong magtanong sa kaniya tungkol kay Natalia. "Yung pinsan mo nga-" sambit ko sa kaniya. Nang may sumigaw sa pangalan niya na halos lahat ng estudyante sa cafeteria ay lumingon kay Camille. Kung sinuswerte ka nga naman talaga, pa-epal ka din Camille eh no? "Agatha!" sigaw ni Camille na naghahabol ng hininga. Lumapit siya sa amin at kinuha yung canned coca-cola ko at ininom ito. Ay epal na nga, naki-inom pa. Close tayo? "Akin na lang ah?" tanong niya sa akin habang nag hahabol parin ng hininga. "Wala na akong magagawa." sagot ko sa kaniya habang naka plastic na ngiti. A/N: Sige nga, pano yung plastic na ngiti, Jasper? "Oh bakit naman tumakbo ka pa parating dito, eh ang lapit lang naman ng building natin papunta dito sa cafeteria?" ika ni Agatha sa kaniya. Naghahabol na hiningang dumakma pa ng 'maxx candy' ang abnoy na si Camille sa plato ko bago magpaliwanag. Akala ata di ko napansin ang loko. Parehas kayo ni Agatha, mga abnoy. "Natatapos pa lang kasi akong mag quiz eh, tapos pag lingon ko wala ka na." humahabol ng hininga sa sobrang pagod. "Tapos andito ka na pala." sabay tingin sa plato ni Agatha. "At tapos nang kumain?!" iritang sabi niya. "Pasensya na, hindi kasi ako nag-umagahan kaya gutom na gutom ako" nakangiting sabi niya dito habang nakakamot sa batok. Nag iba ang eksprisyon ni Agatha na parang may naalala. "Si Cerella nga pala!? Hindi mo hinintay?" sambit niya dito na parang nag-aalala. Gulat namang narinig ni Camille ang pangalan ni Cerella mula kay Agatha. "Hala, oo nga pala si Cerella hindi pa tapos!" sagot naman ni Camille na nag hahabol parin ng hininga. Hala mga abnoy iniwan ang kaibigan. "Ay, mukhang tapos naman na ata" ika ni Agatha habang naka-ngiti sa di kalayuan. Dali-daling naglalakad na Cerella Cañezares ang sumasalubong habang nakakunot ang noo. Parang naiinis sa ginawa ng mga kaibigan niya. Isa pang abnoy ang dumating. "Hindi niyo na naman ako inantay! Mga kaibigan ko ba talaga kayo?" ika niyang naiinis. "Pasensya na Cerella, hindi naman namin sinasadya." ika ni Camille sa kaniya. Di kalaumang nag-iba naman ang ekprisyon ni Cerella nang makitang hindi pa nakakakain si Camille ng tanghalian. "At dahil 'dyan, ilibre mo 'ko ng pagkain!" sambit ni Cerella kay Camille ng may galak. Bahagyang sumibangot naman itong si Camille at tila nag – iba din ang eksprisyon. Tila ngumiti. Mga baliw ba 'to? Na weweirduhan na ako sa inyo, mga abnoy. "Sige ba, basta mamayang quiz kay mama mo, pakopya ha. Pati na rin assignment natin kay Sir Peralta hehe" ika niya habang nakakalukong ngiti. Napangiwi na lang ako sa kanila. Ang galling din nitong isang abnoy. "Oy, ako din Cerella, please" sambit naman ni Agatha habang nagpapaawa kay Cerella. At ayun na nga, mga buang talaga. Tuloy pa din ang kanilang usapan na bahagya naman akong nailang sa kanila na parang wala ang aking presensya. Ni hindi nga ako nakita nung kumuha ang loko ng candy ko. Hindi lang isa kundi tatlo pa nga. "Agatha, una na sana ako sa inyo." bungad ko sa kaniya. Aakma pa lang akong tumayo nang hawakan niya ang aking kamay. "'Wag muna, ililibre ka pa ni Camille." ika niya sakin habang nakangiti. Napangiwi naman si Camille sa kaniyang sinabi. "Oy? Bakit ko naman ililibre yan? May makukuha ba akong sagot diyan sa quiz natin?" nakangiwing sambit ni Camille kay Agatha. "Hoy! Akala mo di ko nakita yung pag tangay mo ng kaniyang maxx, at hindi lang isa kundi tatlo pa!" sermon sa kaniya ni Agatha. Akala ko ako lang nakakita sa pinag gagagawa ng abnoy na Camille na 'to. "Sige na nga. Pero maxx lang ah, apat lang! Papasobrahan ko na lang, nakakaawa ka naman" inis niyang sambit sa akin. Wow ha, parang pinilit talaga kita ha. Ako pa ang kawawa. Napilitan akong maghintay sa dalawang abnoy na makakuha ng pagkain at ibigay ang candy'ng utang ni Camille. Habang naka-upo kasama si Agatha, lumipad ulit sa aking isipan ang kaniyang pinsan na si Natalia. Ito na pag kakataon ko na. "Agatha, yung pinsan mo nga pala. Si Natalia diba? Kumusta na siya?" tanong ko sa kaniya. Nang masambit ko ang pangalan ni Natalia, nag iba ang ekprisyon ni Agatha. Parang nahihiya at na-iilang na sagutin ang aking tinanong. "Kasi si Natalia, may nangyari kasi-" akmang sasabihin ni Agatha. Nang may bumagsak na libro sa lamesa ng aming hapagkainan. Si Paulong tukmol. Bwesit ngayon pa talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD