Chapter 14 "Hello, everyone!" bati ko habang inaayos ang mic sa aking bibig. Malakas agad na nag-ingay ang buong paligid. Hindi ko mapigilan ngumiti sa kabila ng kaba sa aking dibdib. Ngayon ko lang napansin ang media sa likuran ng nga upuan, kung saan naroon din ang headmistress at ang ibang staffs pati na rin ang mga guro. Mrs. Gonzales is clapping her hand as she smiles at me, ganun din si sir. "Do you remember us?" tanong ko, buying some time for my whole band habang sila ay naghahanda pa rin sa aking likuran. "PRISMATIC!" sigaw ng ilan at pumalakpak. I love how they still do that, sa kabila ng katotohanan na magkalaban kaming lahat sa kompetisyon na ito. "That's right, Jimin!" ani ko, at malakas naman na tumawa ang ilan. Isa siya sa apat na lalaki na banda. Si Hailee ang nagpak

