Chapter 13 "May bagong bagyo na naman at ngayon din ang pasok," pahayag ni Sonara habang natatanaw namin ang lakas ng hangin mula sa labas. Umuulan-ulan na rin at kung pagku-kumparahin ko ang bagyo na nagdaan noong isang araw ay mas malakas ang hangin at ang ulan nitong dala kaysa sa nauna. "I hate this weather, mas lalo ako nagpro-procrastinate, e." Nagpapadyak na akala mo ay bata si Sofia habang wala naman din magawa sa bagyo. That's true. Nakakatamad talaga ang ganitong panahon. Masarap kasi matulog at mahiga lang maghapon. Uminom ng kape, kumain ng lugaw, o kahit soup. Bumuga ako ng hangin. Today is our performance. Narito kami sa cafeteria at kakayari lang ng klase namin. Ramdam na ng lahat ang kaba, dumagdag pa ang ganitong panahon. "Can you give her more soup?" kunot noo ko

