Chapter 30 "Traitor, " pahayag ko. Tila ba ay natigilan siya sandali. Nabalot ng katahimikan ang aming lamesa. Ngunit hindi ako nag-iwas ng tingin kay Jayden at pilit na sinalubong ang kanyang mga mata sa akin sa kabila ng panghihina ko sa sakit na nararamdaman ko. "Woah, it's interesting," pahayag niya at matamis na ngumiti bago muli nilaro ang aking mga daliri. "Mine is Deja Vu," ani Sonara at tumaas-taas ang kilay. "Why?" Tanong ni Hailee. "Well, he might get deja vu while doing the things with his girl that we already did before," sumilay ang tipid na ngisi sa akin ng sabihin niya iyon. Talagang hindi siya magpapatalo sa sakit na ibinigay sa kanya ng lalaki na iyon. I envy Sonara for being that brave beyond the pain she received from him. I also envy Sofia who can still laugh,

