Chapter 4

4115 Words
Chapter 4 "I'm hungry," ani Hailee sa aking tabi. We finished practicing. Naka tatlo kaming practice para bukas. Talagang pinulido namin ang kanta. We even suggested something that will make the song prettier at masarap pakinggan. I feel tired. Pero sa kabila ng pagod ay naroon ang saya ang pagka kontento, "Why am I hungry?" kumunot ang noo ni Hailee. Maging ako ay nilingon siya ng nagtataka. Anong klaseng tanong ba naman iyon? "Ako rin, bakit ako nagugutom?" Sonara said, sa oras na iyon, kumalabog ang dibdib ko. Nagkatinginan kami ni Jeremiah at mukhang nakuha rin nito ang ibig kong ipahiwatig at kung ano ang nasa isip ko. "We're dead," wala sa sarili niyang saad. "What time is it?!" natataranta kong tanong sa kanila. Nanlaki ang mga mata ni Sofia nang tingnan nito ang cellphone niya. Her eyes are telling how screwed we are "F*ck, we're in trouble," agad kong kinuha ang cellphone niya at halos manghina ako nang makita ko ang oras. 7:58 pm, 8 pm ay kailangan na sa mga dorms na. Mababawasan ang puntos ng banda namin sa oras na mahuli kaming narito pa. The worst is, we are all here. Mas malaki ang mawawala sa amin. Gusto kong magalit sa sarili ko. I didn't notice the time! We spend too much time practicing. "Run as fast as you can!" pagka sigaw ko ay mabilis kaming nagtakbuhan palabas bago pa tumunog ang bell. It looks like a lot of bands are still out and practicing. "D*mn, they're dead!" Sofia yelled while we were running. Sila Jeremiah at Jayden ay humiwalay na. Hingal na hingal na ako. Ramdam ko na ang pagsikip ng dibdib ko sa pagtakbo. But we have to reach our rooms, bago pa tumunog ang bell. "7:59!" Sonara yelled. Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo. I can see our rooms now. Kaunti na lang. We have to make it or else we will all lose points as a band. "Woah!" Sabay sabay kaming napahawak sa aming dibdib nang huminto kami sa pinto ng mga dorms namin. Pawis na pawis kami at ramdam na ramdam ko ang sunod sunod na pagpatak ng pawis sa aking noo. Ramdam ko rin ang init ng katawan ko sa natapos na pagtakbo namin. As we reach our rooms, kasabay din nito ang pagtunog ng bell sa buong paaralan. "Sa balcony!" ani Sofia bago kami pumasok sa loob. Hinayaan ko ang sarili ko na humandusay sa kama ko. Hihinga-hinga pa ako at ganoon din si Hailee na pawis na pawis pa rin. "H-hindi lumabas y-yung mga banda," aniya at kinabog ang dibdib. I nodded. Napansin ko rin ang hindi nila paglabas. "Oh," ani ko, naupo ako nang maisip ko ang dahilan, "Soundproof ang mga rooms 'di ba?" paninigurado ko. "Yeah," Hailee gave me a water bago nito ininom ang kanya. "That's why they don't hear it," hinihingal akong uminom ng tubig, "Sa tingin ko'y isa ito sa tricks nila to deduct our points," pahayag ko at nahiga ulit. I need to rest a bit. Kahit na kumakalam na rin ang sikmura ko sa gutom. That's our problem now. We're not yet eating and we're stuck in our dorms with no food. "I wonder if some students ate," ani Hailee, habang naka bagsak ang katawan sa kama. "I think no," but they're lucky if they do. Now, I don't know how to end our starvation. "Elaina! Hailee!" nagkatinginan kami ni Hailee habang pareho kaming bagsak sa mga kama namin. Sa huli ay pareho kaming humalakhak, knowing who is that. We are both laughing, laughing like we don't know when it will end. Nahinto ako at unti-unting naglaho ang ngiti sa aking labi nang marinig ko ang paghikbi niya. While lying on her bed, pumapatak ang mga tubig mula sa mga mata nito. Hindi ko alam kung bakit pati ang mga mata ko ay nag iinit at ramdam ko ang pagbabadya ng mga luha mula ro'n. "Hailee," ani ko, at nilapitan ito. "I really want to become a star," aniya sa akin. Like a tomato, her nose is already red from crying. That moment, I saw how much pain she had. I can feel how much she wants to win in this competition like it is her only choice to survive, "Ayokong umuwing luhaan, my Dad will be more disappointed at me," nagpatuloy sa pagbagsak ang mga luha nito na puno ng pait at pangarap. I sincerely wiped her tears, but the tears from eyes are still falling down. Why am I crying? Why does my heart feel really heavy? Maybe because I can see myself to Hailee. Maybe because I can feel what she feels right now. I understand her because I am in the same situation as her. "We all want to be a star, Hailee, that's why we are all here," ani ko. "When we sang earlier, I was in joy, I feel like I'm cloud nine, to the point that I am so scared to be left out when you all thrive for your dreams," muli itong humikbi. Umiling ako sa kanya, "I will not let any of us be left out," nang oras na iyon, mas lumakas ang loob ko. It's like, a fire inside me just burst. It makes me want to fight even more, harder, not just for myself but for the whole of us. "I love you, Eliana," aniya, bago humalakhak at niyakap ako. Ang gaan sa dibdib. It feels like I released a heavy stone that I was keeping by myself. Alam kong hindi pa kami ganoon katagal magkakilala ni Hailee. But I already feel comfortable with her. "I love you, Hailee, we're not a lesbian, right?" Biro ko at sabay kaming tumawa. "Why aren't they coming out?" dinig kong saad ni Sonara. "I don't know, gutom na 'ko," mas lalo pa kami tumawa ni Hailee habang naririnig si Sonara at Sofia na nag-uusap mula sa balcony ng kwarto nila na katabi lang namin. "It seems like they have a plan on how we will be able to eat," ani Hailee. We both stood up and went out to the balcony. As we got there, bumungad sa amin si Sonara at Sofia sa balcony nila, wearing black hoodies. Did they change? "What took you so long?" Sofia asked, annoyed. Hailee just laughed at her. "What is it? May pagkain ba kayo riyan?" ani ko sa kanila dahil masakit na rin ang sikmura ko sa gutom. "Of course, we don't have any, hindi ko naman alam na magugutom ako rito, edi sana ay hinakot ko ang grocery namin sa bahay bago pumunta," ani Sonara habang hawak ang cellphone niya. "We texted Jeremiah and Jayden," ani Sofia. "Umabot ba sila bago ang bell?" tanong ko. Sofia nodded with a smile, "Yeah, if not I'm gonna kill them," ani Sofia. "Jeremiah agreed to go," ani Sonara kay Sofia. Kumunot agad ang noo namin ni Hailee at sabay pang nagkatinginan. What are they planning? "Go where?" Hailee asked, confused about what's happening. "Oh, we're going to steal food in the cafeteria," ani Sofia. "That's dangerous, Sofia! Paano kung mahuli tayo?" pahayag ko at nangangamba. "Don't worry, I examined it already when I went out to get something here, may alam akong daan to avoid the CCTV and of course, para hindi tayo mahuli," she winked at me, calmly. Na para bang wala man lang ito kakaba-kabang lumabas at gawin iyon. "Don't worry, hindi ako sang-ayon kung delikado ang plano ni Sofia," pahayag ni Sonara. "Jeremiah agreed?" hindi makapaniwala kong tanong. I can't believe he agreed. "That's how people do when they're extremely hungry," ani Hailee, at ngumiwi habang hawak ang tiyan. "Ako lang ang lalabas sa amin ni Sonara, sino sa inyo ang sasama sa akin?" tanong ni Sofia. "Ako na la--" "No, I'll come with you," ani ko at pinigil si Hailee, "Stay here, Hailee, and try to watch out," ani ko, at ngumiwi. "Be out, there's no camera outside the dorms," ani Sofia at itinuro na ang palabas. Mabilis kami pumasok sa dorm at isinara ang pinto sa balcony. "Wear a hoodie," ani Hailee at hinagis sa akin ang itim din na hoodie. Nang nagtataka ako at hindi kumilos matapos masalo ang hoodie ay mahina siyang tumawa, "Just ninja things," aniya, at nagkibit balikat. "Okay, let's do this," ani ko, at lumabas ng dorm ng dahan dahan. "Come on," ani Sofia na mukhang chill lang, "Don't make noise if you don't want us to be catched," bulong niya sa akin bago kami dahan dahan lumabas. "Where's Jeremiah?" Bulong ko, Sofia is using her phone to give us vision. Napakadilim, at wala ng kahit isang ilaw ang bukas sa labas. Sa tingin ko ay tulog na rin ang mga staffs. Ramdam ko pa rin ang pagkabog ng aking dibdib. I still feel nervous about this. We're dead meat if we get caught. I can't imagine doing this just for food. I have never done this in my entire life. "Yuko," bago pa ako makapagsalita ay hinila na ni Sofia ang hoodie ko. Halos malaglag ang puso ko sa kaba sa biglaan niyang paghila sa akin payuko. "What the hell, Sofia? Balak mo bang putulin ang u--" "Shut up, Eliana," again, before I could even speak, tinakpan niya ang bibig ko nang kanyang kamay. Hindi ko maintindihan noong una. Minsan tuloy ay tinatanggap ko na lang na may pagka slow ako minsan. Naliwanagan lang ako sa ginawa niya nang maaninag ko ang ilaw na nagmumula sa flashlight. "Don't tell me they're the guards?" kinakabahan kong tanong kay Sofia nang alisin niya ang kanyang palad sa aking bibig. She didn't respond to me. Nanatili ang mga mata niyang nagmamasid at pinatay ang ilaw na nagmumula sa cellphone niya. "What the f*ck, dalawa sila," mahina niyang saad sa akin. Mas lalo akong nanginig sa kaba nang makita kong dalawa ang ilaw na nagmumula sa flashlights. Nasa isang sulok kami na sa tingin ko naman ay natatago kami mula sa kung sino man ang mga ito. Pero hindi mawawala ang matinding kaba sa aking dibdib. There's a big possibility that they can catch us. Lalo na at isang tanglaw lang dito sa gilid ay huli na kami. "Sofia, we're dead meat as hell when if we get caught," bulong ko, halos mapunit ko na ang hoodie ni Sofia kakahila sa laylayan nito. But she doesn't seem to care at focus na focus sa pinagmumulan ng ilaw na iyon. "They're coming," aniya, kasabay din nito ang dinig na paglakad ng kung sino man iyon. I gulped in nervousness. Gusto ko na lang lamunin ng lupa, huwag lang kaming mahuli. "Sonara will kill me if I fail," ani Sofia. I can clearly hear how heavy we breathed as we heard those footsteps towards us. "That's my feet, you assh*le!" Kumunot ang noo ko. "Why did you even wear those black rubber shoes? Mas lalo akong nahihirapan makita," "Oh, shut up, Jeremiah! Just go, I'm really hungry," Sa gitna ng dilim, nagkatinginan kami ni Sofia. Parang naglaho ang kaba sa aming mga dibdib. "That's Jeremiah and Jayden, right?" ani ko, at huminga ng malalim. Tumango si Sofia at huminga rin ng malalim. We almost thought that we're dead. Halos hilingin ko na lang na maglaho ako sa matinding kaba sa aking dibdib. "Jayden," pabulong na tawag ni Sofia. Tumayo ito, at nakahawak pa rin ako sa likuran ng hoodie niya. I look like a kid, I know. Pero natatakot ako na baka malayo ako sa kanya at maglaho na lang ako sa dilim. I don't even have any flashlights. "Holy sh*t!" Ngumiwi ako nang itutok nito ang flashlights sa amin. "Eliana?" "Sofia?" They both said in chorus. Bumuga ako ng hangin. It seems like they are as nervous as I am. "D*mn, akala ko katapusan na namin," ani Jayden at huminga ng malalim. "Eliana, mabuti ay sumama ka?" bulong ni Jeremiah. "I don't have any choice, mamamatay ako sa gutom," bulong ko pabalik. "Why are you guys so noisy? Akala namin ay mga guards na, you almost kill us!" Inis na bulong ni Sofia habang nagpapatuloy kami sa paglalakad. "Si Jayden kasi," paninisi ni Jeremiah. "What?! Ako ba ang tapak ng tapak sa sapatos?" Kung may ilaw lang ay sigurado akong nag-iirapan silang dalawa. I can't believe I'm doing this with them. "Shut the hell up," ani Sofia. "Don't you have a flashlight?" Jayden whispered while we were walking. "I didn't remember to bring one," ani ko, at ngumiwi sa gitna ng dilim. I heard him chuckle, but what surprised me was when he held my hand in the middle of the dark. Kumalabog ang aking dibdib nang maramdaman ko ang init ng kanyang palad sa aking palad. I can see his smile from ear to ear even though we are surrounded by the dark. "Para sure na hindi ka mawala," bulong niya ulit. Mas naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa akin. Para bang ayaw talaga ako nitong mawala sa gitna ng dilim. I can't even speak. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nagbabara ang lalamunan ko. Wala sa sarili kong hinawakan ang aking dibdib ng palihim. Why is it beating so fast? Akala mo ay hinahabol ito. It's like a drum. "F*ck, paa ko 'yan, Jeremiah!" mahinang tumawa si Jayden nang magmura si Sofia. "Sorry, I'm really blind without lights," bulong ni Jeremiah at nagkamot ng ulo. "Tsk, dinahilan mo pa na itim yung sapatos ko," ani Jayden, my eyes went down to our hands. Nasa harapan namin si Jeremiah at Sofia at nangunguna sila sa daan. I don't know if we are secretly doing this holding hands thing, because we're doing it behind their backs. Pero hanggang ngayon ay hindi ako makapagsalita. It's not that it's uncomfortable, dahil kung ganoon ay kanina ko pa sana hinila ang kamay ko. But what the hell is wrong with me and I am still holding his hand but I can't speak?! Mariin akong pumikit sa gitna ng dilim. Why am I doing this in the first place? "We're here," bulong ni Sofia. As they used their flashlights to give us vision, my eyes met a door. Nakabukas iyon ng kaunti at mukhang hindi ni-lock. I have never been in the cafeteria. Dahil nga ang dapat na pagkain namin kanina ay nakalimutan pa namin, so I don't know what does this place looks like. "Dito lumalabas lahat ng cooks, I heard that they're not locking this door," pahayag ni Sofia sa mahinang tono. Jeremiah opened the door even more, dahan dahan. "Go," ani Sofia. "Close the door a bit," bilin ni Sofia, kaya huminto kami ni Jayden doon. Akala ko ay bibitawan niya ang kamay ko, para maisara ang pinto. But in my surprise, inabot nito ang flashlight sa akin. "Can you hold this for a while?" tanong niya. Kinakabahan pa akong tumango at kinuha iyon. Nanatili ang mga kamay namin na magkahawak hanggang sa tuluyan kaming lumakad sa loob. "Na saan tayo?" bulong ko sa kanya. "Kitchen," aniya, tumango ako kasabay nang pagkakita ko rin sa paligid nang mailawan na nilang mabuti ang paligid kahit paano. "Here's the bag," inabot sa akin ni Sofia ang bag na hindi ko man lang napansin na dala niya kanina. Siguro ay dahil na rin sa madilim ang paligid. "Get everything you want," ani Jayden, bago ako marahan na hinila sa mga ulam na nakahain o nakatabi. Nakakita ako ng mga tupperware kaya agad akong kumuha ng tatlo para sa ulam. "I'll get the rice," ani Jayden. "Pwede kayong magbitaw ng kamay para makakuha ng pagkain," kung maliwanag lang at may ilaw, kitang-kita na siguro ang pag-init ng buo kong mukha nang sabihin iyon ni Sofia. Parang napunta lahat ng dugo ko sa aking mukha at nag-init ang mga pisngi ko sa hiya. Thank goodness it's dark. I was able to hide my face, blushing like an idiot. Jayden chuckles, before he lets go of my hand. "Don't worry, I'll be right here, beside you," aniya. Sa pamamagitan ng kaonting ilaw mula sa flashlight niya, naaninag ko ang malambot nitong ngiti. It's a smile that I can trust. A smile that can calm me. I nodded, sa kabila ng malakas na pagkabog ng aking dibdib. Iisipin ko ng may problema ako sa puso. Why am I experiencing this? Don't tell me it's because I'm starving. Bumuga ako ng hangin at kumuha ng pagkain. May mga ulam na nakatabi at marami pa iyon. Mayroong beef broccoli, pasta, at fried chicken. Marami ang sinandok ko sa bawat ulam na nilagay ko sa tupperware. I don't know why I used to tupperwares for each food. Basta, sa tingin ko kasi ay mauubos namin ni Hailee ito at baka mabitin pa kami. "Here's the rice," Jeremiah showed up, left beside me, at tinulungan ako na maglagay ng mga pagkain na nakuha ko sa bag. I smiled as I saw the two tupperwares full of rice. Tinitignan ko pa lang ay parang naibsan na ang gutom ko kahit paano, "You should eat a lot, and drink these drinks," lumaglag ang panga ko nang maglagay siya ng dalawang milk drink na naka bote, soft drinks, juice, at dalawang bote rin na tubig. With the little light, I managed to see his soft smile as he always gave that smile to me. Malambot din akong ngumiti, Jeremiah is indeed a good person with a good heart. That's what I already knew when we first met. "Jeremiah," Sofia whispered, agad na nilingon ni Jeremiah si Sofia at pinuntahan ito. "What did he give you?" halos malaglag ang puso ko sa gulat, sa biglang pagsasalita ni Jayden sa aking tabi. Mariin akong pumikit at mahinang tumawa. I almost forgot that he's also right beside me. "Sime drinks and rice," ani ko. Ang dami ngang binigay ni Jeremiah. Ngayong gabi lang naman kami hindi nakakain at bukas dito na rin kami kakain. I don't know why he gave all of these drinks to me, but I'm thankful though. "Bring some chips, then," naaninag ko ang maliit na pagguhit ng ngiti sa mga labi nito bago isiniksik ang dalawang sitsirya sa bag at isinara na iyon para sa akin. "Tha--" "Sssshhhsss," mabilis ang naging pagkilos ni Jayden at agad akong hinila paupo. Nilingon ko sila Sofia na nasa isang gilid din at agad na naupo. Natatabingan kami ngayon ng mga appliances at malabong makita agad. Nakapatay na rin ang mga ilaw nilang dala. Halos pigilan ko muli ang aking paghinga nang marinig ko ang mga yabag na tingin ko ay malapit lang sa amin. "They're still in their given band's room," ani ng lalaki na boses. Nagkatinginan kami ni Jayden sa gitna ng dilim. I felt his hand hold mine in the middle of the dark. "Some groups managed to go back to their dorms, bago ko po pinapatunog ang bell," dinig nami na dagdag ng lalaki. "How many groups are safe, then?" mas nagtaka ako nang marinig ko ang boses ng babae. "There's a girl," bulong ni Jayden, I just nodded as a confirmation. "15 groups, as I counted it," sagot ng lalaki. We were not able to hear their conversation as they conversed in the middle of the dark, nang tuluyan nang lumayo at maglaho ang mga yabag ng kanilang paglakad. That lady's heels are scary. Huminga kami nang malalim. Muntik na naman kami. "We're almost dead," ani Jeremiah. He stood up and made sure that those people already left. "Who do you think they are?" Sofia asked, as they went near us already. "I don't know, but the woman's voice is familiar," mahina kong sagot. "We better go," ani Jayden, tumango kaming lahat sa kanya, "Give me that," hindi pa ako nakaka sagot ay kinuha niya ang bag na hawak ko at isinukbit sa kanya bago muling hinawakan ang aking kamay. "It's a bit heavy," bulong ko habang nangunguna muli sa daan si Sofia at Jeremiah. "It's okay, as long as it's for you," bulong niya at nagtuloy sa paglalakad. Mas lalo pang lumakas ang pag kabog ng aking dibdib. Kung wala lang kami sa sitwasyon na ito ay baka na estatwa na ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Even my tummy feels like there is something flying inside it. Para akong baliw na umiling. Maybe it's because I'm starving to death. "I think they are one of the staffs," mahinang pahayag ni Jeremiah sa harapan namin. "That man is watching everyone well," ani naman ni Sofia. "Maraming naalis sa grupo, sigurado ako na akala nila ay hindi alam ng staff na nagtatago sila sa room ng banda nila," pahayag naman ni Jayden. "That's bad, mabuti na lang at umabot tayo," ani Sofia. "Don't forget our class tomorrow," paalala ko sa kanila habang tinatahak namin ang madilim na daan. "I completely forgot about that," natatawa na saad ni Sofia. "I wonder what they will teach us," ani Jayden. "Probably, about music," sagot naman ni Jeremiah. He's right. That's what they will teach, which is a good thing. I believe it will give us knowledge about music and will let us grow even more in this field. "We all have to shine for points, kaya magpasikat tayo sa bawat klase bukas," suhestiyon ni Jeremiah. "Eliana, let's go," nilingon ako ni Sofia, doon ko lang din napansin na malapit na kami sa dorms namin. "Wait," I almost forgot that Jayden is holding my hand. Sandali ko siyang nilingon at naaninag ko ang ngiti sa kanyang labi. Kinuha nito ang kamay ko na hawak niya at nilagay doon ang flashlight, "Keep this," aniya, "I'll see you tomorrow." Wala sa sarili akong huminga nang malalim nang mas maramdaman ko pa ang pagtindi ng kabog ng aking dibdib. D*mn, I really don't know what's happening to me, or maybe to my heart. "Good luck," bulong ni Jeremiah at piniga ang aking pisngi na hindi ko rin inaasahan. Mahina siyang tumawa bago sila umalis ni Jayden. Ngumiwi ako at hinawakan ang pisngi ko. Do I look like a child? "So, tell me what's with you and Jayden?" kumunot ang noo ko kay Sofia na ngayon ay hawak ko ulit ang laylayan ng hoodie kahit na may hawak akong flashlight. Dala ko na rin ang bag na may laman ng mga pagkain namin ni Hailee. Mukha tuloy kaming mga magnanakaw sa ayos namin. "Nothing? Stop it," ani ko, at mahinang tumawa bago kami huminto sa harap ng mga kwarto namin. "Enjoy the food," ani Sofia bago binuksan ang pinto. "Eliana, thank goodness!" Hailee said as I entered our room. Huminga ako ng malalim at inilapag ang bag, "Akala ko ay nahuli na kayo," aniya, at ngumiwi. "Luckily, hindi naman," ani ko at humalakhak, "Ilabas mo na yung mga pagkain," ani ko sa kanya, "Magbibihis lang ako. " Tinahak ko ang loob ng walk in closet ko at isinara iyon. Dito na lang ako magbibihis ng T-shirt. Nang makapagpalit ako ay nahinto ako nang mahagip ng mga mata ko ang flashlight na ibinigay ni Jayden. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakangiti habang pinagmamasdan ang flashlight. I still can't imagine that I did that. It's risky, but it's fun. Mukhang tama nga si Sofia na it's fun breaking the rules. As of now, this is my second time breaking the rules. I broke my Dad's rules, but it's really painful until now. But this time, I broke the rules and I feel happy and totally fine. "Eliana!" Sigaw ni Hailee sa labas. "I'm coming!" Tiningnan ko ulit ang flashlight na binigay ni Jayden. Or should I say, not totally binigay. But I feel like I have to treasure it. I don't know why I appreciate it a lot when it's just a flashlight. "Nauna na ko," ani Hailee paglabas ko at ngumisi habang may subo pa ng pasta. Natatawa na lang ako at sumandok na rin, "So, tell me what happened earlier?" tanong niya. Nagkibit balikat ako, "Not much, pero may narinig kaming nag-uusap, it looks like there are a lot of groups that are stuck in their band's room," nanlaki agad ang mga mata niya nang sabihin ko iyon. "That's bad, does that mean they are still there?" "I don't know," sagot ko, "Akala nila ay hindi alam ng staff na naroon pa sila, but it seems like they know," pahayag ko, bago ako sumubo ng kanina. Huminga ako nang malalim nang malasahan ko ang pagkain. I'm really hungry. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong gutom sa buong buhay ko. I can't believe that I will experience it here. Hindi ko maiwasang isipin kung naranasan din ba ito nila Mommy noon. "That's really part of a competition, there will be always people who needs to go back home," clarixass
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD