CHAPTER 7

1056 Words
MCQUEEN Isinandal ko ang katawan sa sewell chair habang pilit niluluwagan ang aking neck tie. I feel so hot, simula nang umalis ako sa mansion ay hindi na maganda ang pakiramdam ko. I have to work, but i feel dizzy and weak. What the hell is happening to me? Nang hindi ko na mapigilan ang init ng katawan ay mabilis kong hinila ang sulong ng mesa na nasa harap ko, agad kong dinampot ang remote ng aircon saka dinagdagan pa ang lamig nito. The coldness of the whole room doesn't seem to affect the warmth I am feeling. My whole muscles are gradually softening. My head hurts too. Bumukas ang pinto, sunod na pumasok si Robert, kumunot ang noo nito nang makitang madiin kong hinihilot ang sintido ko. "Mcqueen, are you okay?" puna nito. Kumunot pa ang noo nito habang nakatingin sa aircon. "Is your aircon broken? Why it's so cold like there's snow here?" Tuluyan ko nang naituon ang siko ko habang patuloy na hinihilot ang sintido, my headache getting worse and worse! "Shut up, i don't feel well," mahinang tugon ko habang iniinda ang sakit. Tuluyan na itong lumapit sa akin saka hinaplos ang leeg ko, i couldn't do anything but let him do what nonsense he was doing. I feel sick and can't think well! "You have a fever, Mcqueen!" bulalas nito. Mabilis niyang kinuha ang kaliwang braso ko, habang inaalalayan ako nito sa baywang. "Let's go home!" "This old man, i can walk!" angil ko pero parang wala itong narinig, nagpatuloy siya sa paglakad habang akay ako. Nang makalabas kami sa office ay agad niyang pinindot ang elevator, diretso itong pumasok nang walang imik. Sa bilis ng pagbaba nito, gano'n ko na lang nasapo ang ulo ko nang kumirot pa lalo ito. Halos mapaluhod si Robert nang tuluyang bumigay ang tuhod ko. "s**t! Why am i like this," reklamo ko nang makalabas kami sa elevator. "Just bare it a little, makakauwi rin tayo," mahinang responde nito. What's with this old man, he's acting so kind to me or. . . is just my head broken? Tuluyan nang bumigay ang mga tuhod ko na nagpaluhod sa amin, nang sabay na sumakit ang ulo ko at ang panlalabo ng paningin. Mabilis akong nasalo ni Robert, bago pa man ako bumagsak sa sahig. Gusto ko mang labanan at patatagin ang sarili hanggang sa makauwi, ay hindi ko na nagawa, siguro ay ito na ang limitasyon ko. Bago awtomatikong sumara ang mga mata ko, huling namataan ko ay si Sam na patakbong papalapit sa amin. Shìt! Why is he here? I want him not to touch me, but i can't move my body! I feel so dizzy! Isang mainit na haplos ang nagpagising sa akin, magaan ang palad nito at nakakagaan sa pakiramdam. Ang sakit ng ulo na iniinda ko ay parang nawala nang idiin pa nito ang mainit na palad sa leeg ko. Ilang sigundo ang lumipas, balisang binawi nito ang kamay kasabay ang pagbukas ng ilaw siyang sumilaw sa akin. My eyes opened automatically when I felt the presence of a woman. Sa pagmulat ng mga mata ko ay hindi ako nagkamali, nagtama ang mga mata namin, bakas sa kanya ang pagkagulat. "H-honey, bakit gising ka pa this late?" Halos ibulong ko ang mga salita. Hindi ko man gustong ipakita sa kanyang nanghihina ako ay wala akong magawa. Minsan lang ako magkasakit pero once na nagkasakit ako ay halos lahat ng lakas ko'y parang naglalaho. "A-ano. . .gusto lang kitang kumustahin," utal nitong sagot. Ramdam kong may mali sa paraan ng pagsasalita niya at kilos. Posibleng hindi talaga ako ang pakay niya rito. Minabuti kong hindi ipahalata ang paghihinala ko. Lahat nang sinasabi at mga tanong nito ay sinagot ko ng normal at kalmado. Ayaw ko mang paghinalaan ang babaeng mahal ko, pero hindi ko maiwasan, lalo pa at labag sa loob niya na narito siya sa America kasama ko. Pwedeng sumasagi sa isip niya ang tumakas, at dahil iisang susi lang ang mayroon ang pinto at nasa akin 'yon–– Nahinto ako sa pag-iisip nang mapansin ang susi ng mansion na nasa ibabaw ng mesa ko. Nakasanayan na ni Robert na itabi sa sulong ng mesa ko ang susi, so. . .bakit nandito ito ngayon at nakapatong lang nang basta sa ibabaw ng mesa? I am right! She is planning something. No, i can't allow it! I don't want her to leave me just like this, not now! Ayokong iwan ulit ako mag-isa, it's painful and sad! Nang tumalikod ito, mabilis kong hinuli ang kanyang pulsuhan. Agad naman niya akong nilingon. "May problema ba?" tanong niya. "Pwede bang dito ka na lang?" Pakikiusap ko, pilit akong bumangon sa pagkakahiga, kahit nahihilo ay tiniis ko ito. "Ire-request ko na lang kay nanay na ipagluto niya ako at magdala rito ng gamot. Pwede ba?" Kung kailangang lumuhod ako sa harap niya ay gagawin ko, 'wag niya lang akong iwan. Nagdadalawang-isip man ay pumayag din ito. Hindi ko inaasahan ang pagpayag niya, but i am so happy right now. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras, mabilis kong kinuha ang phone para mag-text kay nanay. Nang maibaba ang phone sa sahig ay kaunti akong umisod, hindi ko man inaasahang tatabi siya sa akin ay sinubukan ko na ring kumbinsihin ito. Tuluyang bumakas sa mga labi ko ang malawak na ngiti nang tabihan ako nito. Fùck! Am i dreaming? Kung nananaghinip man ako ay sana hindi na ako magising. Mas gusto ko pang magkasakit, kaysa ang iwasan niya ako. Naupo ito sa pagkakahiga, hinarap niya ako saka saglit na pinagmasdan. "Masama pa ba ang pakiramdam mo? Nahihilo ka ba?" sunod-sunod niyang tanong. Mapapansin sa mga mata niya ang pag-aalala sa akin. Biglang bumilis ang t***k ng dibdib ko dahil sa saya at hindi maipaliwanag na pakiramdam. "I am okay, you don't have to worry," nakangiti kong responde. Hindi napawi ang pag-aalala nito, na nagpatigil sa akin sa pagngiti. "Sinasabi mo lang iyan para hindi ako mag-alala. Ramdam kong hindi pa maayos ang pakiramdam mo." Napakurap na lang ako nang mahuli niya ako sa akto. Halata ba ang pagkukunwari ko? Pero. . .sigurado akong maayos naman ang pag arte ko, paanong nahuli niya ako? "S-sorry, i-i don't mean to––" nahinto ako sa pagsasalita nang magpakawala ito ng malalim na hininga. Is she mad?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD