SUNSHINE
Mabilis akong nagmulat nang mga mata, nang mapagtanto na nakatulog ako sa mahabang oras. Agad kong sinulyapan ang malaking orasan na nakadikit sa pader, nine na pala ng gabi. Mabilis akong naupo sa ibabaw ng kama, roon ay napako ang atensyon ko sa maliit na lamesang nasa tabi ng kama, nakapatong sa ibabaw nito ang iba't-ibang luto na pagkain, at gatas na nasa babasaging bago.
Nahaplos ko naman ang aking tiyan habang nakatingin sa mga pagkain sa aking harapan, mukha itong masarap lahat. Kalaunan ay hindi ko rin natiis ang sarili at kinain ang mga ito. Namangha naman ako sa kinaing gabihan dahil sa perpektong lasa nito, tulad ito ng kinain kong umagahan, ang sarap! Tulad ng nabanggit ni nanay, bakit hindi rito laging nakain si MC gayong napakasarap ng mga luto rito? Malamang ay sawa na siya.
"Teka!" Napabalikwas ako dahil sa naisip.
Pagkakataon ko na ito!
Nagmadali akong tumungo sa pinto saka kaunti itong binuksan, sapat ang aking ulo para silipin ang paligid. Tahimik ang paligid at sarado na rin ang ilang mga ilaw, ibig sabihin ay natutulog na silang lahat. Naghugot muna ako nang malalim na hininga bago tuluyang binuksan ang pinto. Lumabas ako ng kwarto habang marahan na tinatahak ang daan pababa. Nang makarating ako sa hagdanan, inobserbahan ko munang mabuti ang ikaunang palapag. Mabilis ngunit maingat akong bumaba nang makumpirmang walang kahit sino ang narito.
Kailangan kong makalabas ng mansion na ito bago pa nila ako mahuling tumatakas. Narating ko ang malaking pintuan ng mansyon sa maingat at tahimik na paraan. Dinakma ko agad ang door knob saka ito unti-unting pinihit. Mas lumakas pa ang t***k ng dibdib ko nang huminto ang pag-ikot ng door knob sa huling pagkakataon. Naka-lock ang pinto!
"Anong gagawin ko, nasaan ang susi?" bulong ko sa sarili habang natataranta. Nasa harap ko na ang daan palabas ng mansyon na ito, para makauwi na ako kay mama, pero. . .naka-lock ang pinto!
Sunod-sunod akong humugot nang malalim na mga hininga, upang pakalmahin ang sarili saka nag-isip.
Si MC ang head ng mansion na ito, kaya posibleng nasa kanya ang susi. Tinanggal ko ang suot na tsinelas saka
patakbong tumaas muli. Naghahabol sa paghinga kong narating ang ikatlong kwarto na tapat lang ng hagdan. Marahan ko itong binuksan ng kaunti, saka sinilip ang loob nito. Sa unang tingin ay halatang walang tao ang silid, dahil sa isang lamesa na puno ng mga papel ang nasa ibabaw nito, ang laman ng unang silid na binuksan ko.
Nilisan ko ito sa tahimik pa rin na paraan, maaaring ang kwarto ni MC ay nasa kabilang bahagi. Nagtungo ako sa kaliwang bahagi, binuksan ko naman ang ikalawang kwarto, tulad ng ikatlo ay puno naman ng libro ang laman nito, lalong hindi ito ang kwarto niya dahil mukhang library ito. Sa huling kwarto, ang ikauna, binuksan ko ito nang may kaba, mas malakas na kabog mula sa dibdib ko ang sumalubong sa akin.
Nang mabuksan ang pinto, katahimikan ang nandito. Base sa nararamdaman ko ay posibleng ito na ang kwarto ni MC. Mas naging maingat pa ako sa pagsilip, doon ay nasaksihan kong mahimbing na natutulog si MC. Buong ingat akong pumasok at diretsong nagtungo sa sulong ng kanyang mesa, dahil katabi lang niya ito ay buong tapang at ingat ang pagbukas ko rito.
Lumawak ang aking ngiti, naluluha kong kinuha ang susi na nasa ikalawang sulong ng mesa. Sa wakas, hawak ko na ang susi para makalabas na ako! Unti-unti akong tumayo mula sa pagkakaluhod. Isang ungol mula kay MC ang nagpabato sa akin, sumunod ang sunod-sunod na mabibigat na hininga. Saglit ko itong pinagmasdan, nahihirapan na siya sa paghinga. Okay lang kaya siya? Mukhang hindi normal ang pakiramdam niya.
Dahil sa kuriosidad ay kaunti kong ipinatong ang aking kaliwang palad sa noo nito. Napasinghap ako nang maramdaman na hindi normal ang kanyang temperatura. Mabilis kong ipinatong ang susi sa ibabaw ng mesa saka binuksan ang ilaw mula sa tabi ng kama nito. Nasilaw ito sa liwanag, siyang sanhi ng pagbukas ng kanyang mga mata, ngunit nanghihina ito para makabangon sa pagkakahiga.
Sa kanyang pagmulat nang mga mata, diretso itong tumingin sa akin.
"H-honey, bakit gising ka pa this late?" matamlay nitong puna sa akin.
"A-ano. . .gusto lang kitang kumustahin," pagsisinungaling ko.
Kahit hirap sa pagkilos ay kinuha nito ang kamay ko, ipinatong ito sa kanyang ulo saka ngumiti. "I am fine because you are here, don't worry. . .magiging maayos din ang pakiramdam ko bukas," Pabulong nitong turan.
Alam kaya ito nila nanay?
Bigla kong naalala ang sinabi nito sa akin, na hindi nagpapaalaga si MC sa kahit na sinong narito. Kung gano'n alam nila pero, kahit gustuhin nila alagaan ito ay hindi sila makalapit dahil pilit silang itinataboy ni MC.
Oo, gusto kong tumakas, pero hindi sa ganitong sitwasyon. Kailangan ako ni MC at mataas ang lagnat niya, hindi ko naman pwedeng balewalain ang kalagayan niya. Kung hindi nila maalagaan si MC, ako ang gagawa.
"Uhm. . .MC? Uminom ka na ba ng gamot?" pagpawi ko sa katahimikan.
"No. . .i––i can't swallow the medicine!" nahihirapan nitong wika.
Kung gano'n ay hindi pa.
Gusto ko mang matawa sa sagot nito ngunit pinigilan ko. Hindi ko akalain na ang isang MC ay may kahinaan din pala, at iyon ay ang paglunok ng gamot. Sa mga bata ko lang naririnig ang ganitong dahilan, hindi ito nakakahiyang dahilan. . .para sa akin ay isa itong nakakatuwa at kyut na sagot.
Sa malalim na pag-iisip, natuon ang paningin ko kay MC na kasalukuyang tahimik habang nakatingin sa akin, siyang ikinagulat ko.
"Still, it's embarrassing to say," pagpatuloy niya.
Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng kama nito. "Hindi iyan ang iniisip ko," pagdadahilan ko. "Iniisip ko lang kung nasaan ang gamutan mo, tutulungan kita para mainom mo ng maayos ang gamot."
"Oh! I threw it all," inosenteng sambit niya. Dahil ayaw niya sa gamot, tinapon niya ito lahat.
"O-okay lang. Hihingi ako kay nanay. Kumain ka na ba?" usisa ko.
Umiling ito. "I lost my appetite."
"G-gusto mo, ipagluto kita ng lugaw––nakain ka ba no'n?" Maaaring hindi siya nito kumakain, pero ito lang ang alam kong lutuin sa taong may sakit, dahil mas madali itong malunok kaysa sa pagkaing matitigas.
Ang mahalaga ay magkaroon ng laman ang tiyan niya, lalong lalala ang sakit niya pag hindi siya kumain. Masyado niyang napapabayaan ang sarili, lagi kaya siyang ganito?
Tumango-tango ito. Nagpangiti sa akin ang isinagot niya, kung gano'n ay alam niya ang lugaw. "Sige, ipagluluto kita." Mabilis akong tumalikod para maglakad palabas, nahinto ako sa isang hakbang nang hulihin niya ang kamay ko. Nilingon ko ito mula sa likuran bago muli siyang hinarap. "May problema ba?" tanong ko.
"Pwede bang dito ka na lang?" Pilit itong bumangon sa pagkakahiga, saka muling nagsalita, "ire-request ko na lang kay nanay na ipagluto niya ako at magdala rito ng gamot. Pwede ba?" Matamlay ang kanyang mga mata ngunit nangungusap ito habang sinasambit niya ang nga salita.
Tila, kumirot ang dibdib ko sa mga pakiusap ni MC. Naramdaman niya kayang iiwan ko siya para tumakas?
Pilit akong ngumiti saka nagsalita, "Kung iyan ang magpapagaan ng loob mo, rito lang ako," aniko. Sumilay agad ang ngiti sa kanyang mga labi. Mabilis niyang kinuha ang phone saka nag-type, sapat ang ilang minuto para ibaba niya ang phone sa sahig. Kaunti itong umisod, tinapik-tapik niya ang kaliwang bahagi ng kanyang higaan habang nakatingin sa akin.
Agad ko namang naintindihan ang nais niyang sabihin. Kahit pakiramdam ko ay mukhang hindi tama ang gagawin ko, wala na rin akong nagawa, wala akong ibang maisip na paraan para damayan si MC sa masama nitong pakiramdam. Isa pa, ramdam ko rin ang sobrang pangungulila niya sa kung sino.