CHAPTER 5

1376 Words
SUNSHINE Sunod-sunod na mga katok mula sa pinto ang mabilis na nagpatakbo sa akin patungo rito. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob saka kaunti itong binuksan. Sumilay mula rito ang nakangiting mukha ng isang babaeng may edad na. Kaunti itong yumuko saka nagsalita, "Good morning, Lady!" magalang niyang wika bago muling inangat ang mukha. "Pasensya na, bilin po kase sa akin ng young master na yayain na kitang bumaba para kumain ng umagahan," dagdag pa niya. "U-umalis na po ba si MC?" utal kong usisa rito. "MC, lady?" Nalilito ito. "Ang. . .ang young master niyo po," sagot ko. "Oh, kanina pa po siya nakaalis." "Hm. . .nanay?" pabulong kong sambit na siyang nagpalapit sa kanya sa akin. "Gaano niyo po kakilala si MC?" curious kong tanong, gusto kong malaman kung anong klaseng tao siya. Ngumiti ito bago nagsalita, "Nako, iha. Kilalang-kilala ko ang batang iyan, dahil simula pa lang nang bata siya ay ako na ang kasambahay nila at nag-aasikaso sa kanya," giliw na giliw nitong tugon. Nagpangiti naman sa akin ang masigla nitong responde, para siyang si mama na pag dating sa akin ay nagkakaroon siya ng enerhiyang magsalita. "Mabait po ba si MC?" muli kong tanong. "Sobra." Nahinto ito saglit. Ang kaninang masiglang mukha ay napalitan ng lungkot. Napabuntong-hininga pa ito bago nagpatuloy, "Pero, simula nang mamatay si Madam ay naging malamig na siya sa amin." "Kung gano'n naging magagalitin na po siya?" "Hindi naman sa lagi siyang galit, pero. . .hindi tulad dati ay nakikipagbiruan pa siya sa amin at laging nagpapaluto ng paborito niyang pagkain sa kusina, madalas din siyang nakikisalamuha sa mga kasambahay rito. . .ngayon, halos minsan na lang siyang umuwi at lagi pa siyang nasa bar para magpalipas ng oras. Ang nararamdaman niyang pangungulila ay binubuhos niya sa trabaho, minsan nga nagkakasakit na ang batang iyon. Sa tuwing nagkakasakit din siya ay ayaw na niyang magpaalaga sa kahit na sino sa amin, walang nakakalapit sa kanya. Pilit niyang tinatago ang kahinaan niya at lungkot," mahaba nitong paliwanag. Napaisip naman ako sa sinabi ni nanay, sa kabilang banda ay nakaramdam bigla ako ng lungkot. Naaawa ako sa sitwasyon niya, parang ako––nangungulila sa pagmamahal ng magulang pero at least may mama pa ako, si MC. . . wala nang gumagabay at nag-aalala sa kanya kung hindi ang mga kasambahay at mga tauhan niya na patuloy niyang tinutulak palayo, pero hindi pa rin siya iniiwan. Ayaw niyang umasa at magtiwala sa iba kase pakiramdam niya ay iiwan din siya ng mga ito. "Nako, napahaba yata ang usapan natin. Pasensya na po at umandar nanaman ang pagiging madaldal ko," Mahina niyang sabi. Kaunti akong natawa sa tinuran nito dahil mukha nahihiya pa siya. "Okay lang po, mabuti nga po at nakilala ko kayo agad, mukhang may kaibigan at kausap na ako sa malaking mansion na ito." Matapos kong magsalita ay lumabas na rin ako sa silid. "Sobrang lawak po pala ng mansion na ito, parang isang palasyo," manghang turan ko habang naglalakad patungong hagdan pababa. "Sinabi mo pa, minsan nga ay hinihingal na ako sa pag-akyat at baba rito," natatawa niyang sambit. Nang makababa kami sa mahabang gandan ay sandali akong huminto sa paglalakad para habulin ang aking hininga. Natawa na lang si nanay habang pinagmamasdan ako na nagpatawa rin sa akin. Nang makabawi ng lakas ay diretso kaming nagtungo sa kusina, roon ay nakangiti habang binabati ako ng mga kasambahay na madaanan namin. Kung gano'n ay hindi lang pala nag-iisa si nanay na kasambahay rito, marami sila. Kung ngayon ako tatakas ay mahihirapan akong lusutan sila dahil masyado silang marami, kailangan kong humanap ng perfect timing. Sa ngayon ay magpapakabait muna ako. Naupo ako sa hinila ni nanay na upuan, sinandukan ako nito ng pagkain. Bumalik ako sa huwisyo nang mapansing nasa tapat na ng bibig ko na ang tinapay. "Nanay, hindi niyo na po ako kailangang subuan," nahihiyang saad ko. "Ang lalim kase ng iniisip mo kaya minabuti ko na lang na subuan ka," aniya. "Kakain na po ako," aniko. Umiling ito saka malawak na nguniti, "Hayaan mo na pong pagsilbihan kita, naalala ko kase ang namayapa kong anak sa iyo, lagi ko siyang inaasikaso na parang prinsesa ko, lalo na no'ng huling araw niya." May kirot ang binitawan nitong salita saka mapait na ngumiti. Ginantihan ko na lang ito ng matamis na ngiti saka ginawa ang gusto niya, hanggang sa huling pagkain ay ramdam ko ang pangungulila at sobrang pagmamahal niya sa anak. Ang swerte ko dahil nararanasan ko ngayon ang pag-aalaga ng isang ina kahit na hindi ko kasama si mama. Kinuha ng isang kasambahay ang mga hugasin nang matapos ako sa pagkain. "Hindi po ba kayo nagugutom?" usisa ko. Umiling ito. "Kanina pa po kami kumain," aniya. "May maitutulong po kaya ako sa gawaing bahay?" Nakasanayan ko nang ako ang gumagawa ng mga gawain sa bahay kaya naman naiilang ako sa sitwasyon ngayon, na pinagsisilbihan ako. "H'wag ka na pong mag-abala sa dami ng kasambahay rito ay hindi mo na kailangang mag-alala sa mga gawain. Ngayon, sasamahan po kita sa room mo para maligo." "Papaliguan niyo rin po ba ako?" pabiro ko. Lumawak pa ang ngiti ni nanay nang marinig ang sinabi ko. "Pwede ba?" Masayang turan niya. "Uhm. . .k-kayo po ang bahala." Nahihiya man ay hindi na rin ako nakatanggi dahil ayokong pawiin ang malawak nitong ngiti at saya. Nang makapasok sa loob ng silid ay diretso akong nagtungo sa bathroom para roon ihanda ang liliguan ko, si nanay naman ay abala sa pag hahanda ng susuotin ko. Napakunot naman ang noo ko nang mapansing walang timba at tabo sa sahig, napaisip tuloy ako kung paano ako maliligo. "Oh, iha. Malamig po ba ang tubig?" bungad ni nanay nang makapasok. "Nanay? Wala pong tabo at timba," seryoso kong wika. "Tabo at timba? Bakit po, para saan?" sunod-sunod niya namang ika. "Para po ako makaligo," Natawa ito sa tinuran. Nilapitan nito ang isang palanggana gawa sa makinis na simento. "Ito po ang bathtub, dito ka maliligo." Binuksan ni nanay ang gripo sa tabi ng sinabing bathtub. Nang mapuno ito ay inutusan niya akong hubarin ang lahat ng saplot ko. Dahil sa labis na hiya at hindi komportableng pakiramdam hinayaan niya akong maligo mag-isa, nang sa gano'n ay komportable akong nakahubad. Tulad ng tinuro ni nanay, nang matapos ako ay inalis ko ang nakatakip sa tabi ng bathtub upang makalabas mula rito ang tubig. Nang masiguradong wala nang tubig ang bathtub ay agad kong tinuyo ang sarili gamit ang tuwalyang iniwan ni nanay sa ibabaw ng lababo. Nagmadali rin akong magsuot ng damit, isang oversize shirt at saktong pajama. "Nanay, ang labahan ko po? Lalabhan ko na po," bungad ko nang makalabas sa bathroom. "Hindi na po, tapos na. Isa pa, hindi mo kailangang maglaba dahil may machine naman tayong panglaba," sagot niya habang inaayos ang higaan ko. "Pero, hindi po ako sanay na may ibang naglalaba ng mga labahan ko," angil ko nang may hiya. Nilapitan ako ni nanay nang may ngiti, hinaplos niya ang buhok ko habang hawak ang suklay. Sinimulan niyang suklayin ang magulo kong buhok, hindi na ako nakapagsalita pa nang mapansing nage-enjoy siya sa pag-aayos ng buhok ko. "Mga kabataan talaga ngayon. . .magkaugali rin po pala kayo ng anak ko. Ayaw niyang ipakita o ipalaba sa iba ang hinubad niyang mga damit, kahit sa akin, kase nahihiya raw siyang makita ang underwear, at bra niya." Natatawa pa ito habang nagsasalita. Mapait akong ngumiti kay nanay, nirespondihan niya ito ng katahimikan at kirot sa kanyang mga mata. "Mahal na mahal niyo po siya," sambit ko nang may kirot. "Oo naman, sobra-sobra, young lady, Pero, wala naman kaming magagawa, kung oras na niya talaga ay oras na niya. Kahit ayaw ko siyang mawala ay wala rin akong magagawa. Nalulungkot lang ako dahil hindi ko akalaing mauuna siya sa akin. Kaya nga po no'ng malaman kong may isang mabait na dalagita rito sa mansyon ay agad kitang inusisa." Nakangiti ito ngunit ramdam ko ang kirot sa mga sinabi nito. Nang matapos niyang suklayin ang buhok ko, agad itong nagpaalam para pumuntang kusina at maghanda na ng kakainin. Nahiga ako sa ibabaw ng kama. Dahil sa preskong pakiramdam, awtomatikong sumara ang mga mata ko, roon ay hindi ko na napigilan ang matinding antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD