MCQUEEN Nahinto ako sa kinatatayuan ko nang iwasan niya ako. Ilang sigundo bago ko naproseso ang nangyari, tanging kabog lang ng dibdib ko ang bumabalot sa pandinig ko. Hindi ko inaasahang iiwasan niya ako ngayon habang puno ng sakit ang mga mata niya. Fúck! What have i done! I am afraid of what she is thinking right now, but i can't let her go and do nothing! Nang makalabas ito sa garden, agad kong sinundan ang mga yapak niya. Napako ako sa ilang hakbang nang hapitin ni Lenzie ang braso ko. "What are you thinking? Don't tell me you are going to chase after her?" Iritado nitong sabi. Mabilis kong binawi ang braso ko. Hinarap ko siya nang may inis. "I know what happened here. are you that desperate to pretend to be a victim in front of a lot of people? you embarrassed me," I groan

