CHAPTER 10

1391 Words
SUNSHINE Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin mula sa pinto, ipinikit ko ang mga mata para damdamin ang halimuyak ng mabangong simoy mula kung saan. Sa wakas ay nasa labas na rin ako ng mansion! Naimulat ko ang mga mata nang hilahin ako ni Angelyn. "Mas masarap po sa pakiramdam pag nasa garden," aniya. Wala akong nagawa kung hindi ang magpaubaya rito. Huminto kami sa malaking gate. Kunot-noo kong pinagmasdan ang nasa loob nito. "Panibagong mansion pa rin ba iyan?" wika ko na puno ng kuriosidad. Dahil sa sobrang taas ng gate ay hindi mahagip ng paningin ko ang kabooan nito. Natawa si Angelyn saka nagsalita. "Ito po ang garden na madalas pinupuntahan ng young master pag malungkot siya, kaya sigurado akong magugustuhan niyo rin ito," paliwanag niya. Bumukas ang gate, sunod kaming pumasok dito. Nahinto ako dahil kasabay ng pagpasok ang matamis na simoy ng hangin mula sa loob. Tila kumikinang ang boong paligid sa ganda ng mga bulaklak at disenyo ng hardin, para bang nasa paraiso ako. Ang malawak na hardin ay pinapalibutan ng iba't-ibang kulay ng mga bulaklak, halos lahat ng magagandang bulaklak ay narito. Sa gitna nito ang isang maliit na kubong gawa sa kahoy, pinapalibutan ito ng bulaklak na baging siyang nagbibigay kulay sa bawat sulok ng kubo. Parang naaakit ang paningin ko sa sobrang kinang at perpekto ng paligid. Ngayon ay naunawaan ko na kung bakit ito ang pinupuntahan ni MC pag malungkot siya, dahil kahit ako ay pakiramdam kong pinupunan nito ang puso ko. "Hindi ako nagkamaling dalhin po kayo rito, bakas sa inyo ang saya," galak na ika ni Angelyn. Kaunti akong umiwas ng tingin dito dahil sa hiya. "Ang ganda nga rito," sambit ko nang hindi inaalis ang paningin sa paligid. "Hey, Angelyn!" Isang malakas na hiyaw ng isang babae mula sa likod, naagaw nito ang pansin namin dahilan para sabay kaming mapalingon. Isang babae na nakasuot ng pulang fitted dress ang palapit sa gawi namin. Halata rito ang pagiging isang mayaman, sa presensya at pananamit pa lang nito ay hindi mo na maitatangging bilyonaryo siya. Pero, iba ang pakiramdam ko sa babaeng ito, hindi magaan ang aking loob. "Nako, si Miss Lenzie!" bulalas ni Angelyn. Sa paraan ng pananalita niya ay parang may ginawa sa kanyang mali ang babaeng nagngangalang Lenzie. Balisa akong hinarap ni Angelyn, hinuli nito ang magkabila kong braso upang makuha ang boong atensyon ko. "Lady, mabuti pang magtago ka. Sigurado akong aawayin ka niya pag nalamang ikaw ang bagong kasintahan ni––" napasinghap ito dahilan para maputol ang kanyang sinasabi. Puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata na tinapunan ng tingin ang kanang bahagi namin. "Whos girlfriend is she?" malamig na turan ng babae kay Angelyn. Kinakabahan itong umiling. "No-nothing miss––" "I said Lady! Young Lady!" Bigla itong humiyaw nang may inis sa kanyang mga salita, dahilan ng panginginig ni Angelyn. Ngayon naiintindihan ko na ang sitwasyon, hindi mabuting impluwensya ng babaeng ito kay Angelyn. "You idiot little garbage!" Pagpatuloy niya. Nakakuyom ang kamao nito, mahahalata mo ang galit nito kay Angelyn. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang ang galit niya kay Angelyn, pero ang pagsalitaan at maliitin ang ibang tao ay mali. Kinuha ko ang pulsuhan nito saka hinila sa likuran ko. Hinarap ko ang babaeng nagngangalang Lenzie, pinagtaasan niya ako ng kilay na parang hinahamon niya ako. "Sumosobra naman yata ang mga salita mo," panimula ko. Ramdam ko ang gulat ni Angelyn na nasa likuran ko dahil napasinghap ito. "Lady, mas mabuti pong 'wag mo na siya patulan," awat nito sa akin. "And who the fùck are you to tell me what to do?" Mataray nitong tugon. Sa paraan ng pananalita niya, masasabi kong nasa ugali niya ang mambaba ng taong walang sapat na yaman katulad niya. "Hindi masama ang makipag-usap nang mahinahon kaya sana naman iwasan mo rin ang magmura." Palaban ang presensyang pinakita ko rito. Kung bababaan ko ang sarili sa mapagmataas na tao ay lalo siyang magkakaroon ng lakas na tapaktapakan ang iba. Tumawa ito nang malakas siyang ikinagulat namin. Nababaliw na ba siya, ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko? "Another garbage, eh? How dare you to insult me when you are just a bìtch in this mansion?" "Bìtch? Sino kaya ang babaeng pumunta rito para insultuhin ang kaibigan ko? Tingnan mo nga ang pananamit mo sa akin, hindi ba ay mas mukha kang babaeng pakawala?" Nawala ang inis nitong mga ngiti nang mapako ang mga mata nito sa malaking t-shirt at pajama na suot ko. Nanlaki ang kanyang mga mata nang may mapagtanto ito. "Is that my fiance's clothes?" Muli niyang bulyaw. Sa pagkakataong ito ay galit na ang kanyang mga salita. Pero. . ."Fiance?" Binalingan ko ng tingin si Angelyn nang nagtatanong. Nag-aalala ang kanyang mga mata na sinalubong ang mga tingin ko. "Ah!" Inda ko nang may humapit sa buhok ko. "Lady!" Umiiyak na tawag sa akin ni Angelyn. Wala itong magawa kung hindi ang manood sa ginagawa sa akin ni Lenzie, hindi nito magawang makalapit dahil sa kalalakihang humaharang sa kanya. "Lady? So, this is your new lady!" Humigpit pa ang kapit nito sa buhok ko. Biglang nagpintig ang tainga ko nang makitang tinulak ng mga kalalakihan si Angelyn dahilan para bumagsak ito sa sahig. Hinuli ko ang pulsuhan ng babaeng nasa harap ko, napaawang ang kanyang mga labi. "What the fùck! You are fúcking hurting me!" Hiyaw niya habang iniinda ang braso nitong hawak ko. Akmang lalapitan ako ng mga kalalakihang kasama nito nang itulak ko siya sa sahig, dahilan ng pagbaling ng mga ito sa kanya. "You crazy bítch, you'll pay for this!" "Honey!" Nabato ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang malakas na tawag ni MC mula sa malayo. Nilingon ko ito, ngunit gano'n na lang ako nanlumo nang sa paglapit nito ay ibang babae ang sumalubong sa kanya. Masiglang kinulong ni Lenzie sa kanyang mga braso si MC, ngunit hindi nito naagaw ang atensyon ni MC dahil nasa akin pa rin ang kanyang paningin. "Baby, it's been three years. Didn't you miss your fiance?" Malagkit nitong turan kay MC. Nagsimulang pumatak ang luha mula kay Lenzie, tagumpay niyang nakuha ang atensyon ni MC. "That girl. . ." Duro nito sa akin. "She hurt me!" Patuloy nito habang humihikbi. Halatang pagkukunwari ang kanyang mga sinasabi, pero sa reaksyon ni MC alam ko na agad kung sino ang papanigan niya. Nakakunot ang kanyang noo habang iritadong nakatingin sa babaeng nakayakap sa kanya, hindi na ako magugulat kung lapitan niya ako para saktan, dahil natural lang sa kanya ang ipagtanggol ang babaeng iyon. Fiance? Hindi ako nagkamali sa hinala kong may iba siya. Nahaplos ko ang dibdib ko nang maramdaman ang familiar na pakiramdam siyang unti-unting bumabalot sa boong katawan ko. Katulad ito ng pakiramdam nang iwan ako ng mga magulang ko. . .ang pakiramdam ng pinagtaksilan! Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman ngayon, inaasahan ko nang mangyayari ang lahat ng ito. Pero, bakit masakit sa akin? Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nakatungo mapigilan lang ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. Bago pa man sa akin makalapit si MC ay iniwasan ko na ito, patakbo akong lumabas ng hardin. Narinig ko pa ang pagtawag ni nanay sa akin ngunit hindi ko ito pinansin. Nagpatuloy ako sa pagtakbo kahit na hindi ko na alam kung nasaan ako. Hindi ko ininda ang pagod na nararamdaman ko, ang paghahabol ng hininga, wala ang pagod na ito kung ikukumpara ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Nang maalala muli ang nangyari sa hardin, ang paraan ng pagtitig ni MC sa babaeng nakayakap sa kanya, roon ay tuluyan nang tumulo ang mga luha ko na kanina pa nagbabadya. Napaupo na lang ako sa aking kinatatayuan nang manlumo ang aking mga tuhod. Dumilim ang kalangitan, para bang dinadamayan ako nito sa aking nararamdaman. Sinalubong ko ang malakas na pagbuhos ng ulan, sa simoy ng hangin na kanina ay masayang sinalubong ako, puno na ito ng lungkot at lamig. Tuluyan na akong humagulhol, para bang nawawalan na ako ng pag-asang makahanap pa ng taong pagkakatiwalaan ko, ang taong hindi ako iiwan hanggang sa huli, mags-stay sa tabi ko kahit anong mangyari, higit sa lahat, ang taong mamahalin ako ng boong-boo––walang pagkukunwari. Ang tànga ko lang dahil umaasa ulit ako nang hindi ko namamalayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD