WILLFAE Masaya ako dahil nang makauwi kami rito sa condo ay wala na ang ex wife ni William, base sa sulat na iniwan nito ay babalik na ulit siya sa America para roon magsimula muli. Pero, madaling napalitan ang sayang nararamdaman ko nang lungkot at pag-aalala, dahil kay Michael at Sam. May sakit ang dalawang magkapatid kaya hindi namin maiwasan ni William mag-alala, buti na lang at nabisita namin kahit sandali si Sam kaya minabuti naming isama na muna rito sa condo si Michael at Shine para makapagpahinga. "Ate, aalagaan ko muna si Michael," paalam ni Shine na tinanguhan ko naman. Kasalukuyang nasa room ni William ang dalawa ni Shine. Mula sa kusina ay tinungo ko ang room ni Dianna, nang makumpirma ko itong tulog na ay dumiretso na ako sa room ko. Unti-unti kong pinihit ang doorknob,

