SUNSHINE Bilang girlfriend ni MC, gusto ko na itama ang pagkakamali niya. Alam kong nasanay siya sa buhay na walang kinakatakutan, magkaiba kami ng mundo kaya mas kilangan ko siyang tutukan kung paano makibagay sa lahat. Ayaw ko siyang i-force kaya naman uunti-untiin ko siya dahil gusto kong iparamdam sa kanya na concern ako at gusto ko siyang mapabuti. Matapos niyang humingi ng tawad dahil sa pagsagot nito sa kanyang nakatatandang kapatid, ay agad ko itong ginantihan ng matamis na ngiti. Marahan kong inalis ang aking kamay na tumatakip sa bibig niya. Sumilay agad sa kanyang mga labi ang ngiti at namula. "You are so cute, honey," matamis nitong ika. Yumakap ito sa akin at hinalikan ang noo ko. "Hindi na ba masakit ang katawan mo?" wika ko habang tinatanggap ang mga halik nito. "Ahem!"

