Chapter 11

3221 Words

KAHIT hindi hamak na mas luma ang pickup truck na iyon kaysa sa kotse na sinakyan nila kagabi, parang hindi makaramdam ng pandidiri si Zoe. Siguro dahil baka mabango ang klase ng air freshener na ginamit ni Ethan. O dahil guwapo at mabango rin itong lalaking katabi niya ngayon? Nang dahil sa ideyang iyon kaya napatingin si Zoe sa binata na seryosong nagda-drive. Mukhang balak talaga nitong panisin ang laway niya. Kahit ang sulyapan siya ay hindi man lang magawa. Allergic ba sa magaganda ang taong ito? And she hates it so... much. Wala pang ni isang lalaki ang dinedma siya nang ganoon. "Tapos ka na bang kilatisin ako?" mayamaya ay tanong ni Ethan. Naka-focus pa rin ito sa daan kaya paano nito nalamang tinitingnan niya ito? Siguro may mata ang braso nito? "Duh. I'm not staring at yo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD