Sinamantala naman iyon ni Ethan para i-corner ito. Itinukod niya ang mga kamay sa mesang naroon habang nakakulong sa loob ng mga braso niya si Zoe. Hindi niya ito tinatantanan ng tingin kahit anong iwas nito. "W-what are you doing?" nauutal na tanong ng babae. Marahil ay naiilang sa presensiya niya. "Tinititigan ka. Baka sakaling maalala kita," pabulong na sabi ni Ethan at inilapit pa lalo ang kaniyang sarili hanggang sa magdikit ang kanilang mga katawan. "Inaantok na ako. Bukas mo na ituloy ang pagtitig sa'kin--" Naputol ang pagsasalita ni Zoe nang ilapat niya rito ang mga labi niya. "Hindi ko na kaya. Nahihilo na ako," sabi pa nito na pilit siyang itinutulak. But Ethan didn't listen. Muli niya itong siniil ng mas mapusok na halik. Hanggang sa ang mga braso niya ay ipinulupot n

