Naninigas pa rin ang aking katawan at hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para bang naubos ang lahat ng lakas sa aking mga paa dahil ayaw nitong humakbang. Patuloy ko lang pinipigilan ang sarili ko na gumawa ng kahit anong ingay, pero dahil malas nga ako, bigla na lang akong bumahing.
Anak naman ng tokwang 'to!
"Who's there?"
Wala akong nagawa kundi lumabas sa aking pinagtataguan. Napataas ang aking mga kamay nang makita ko ang kanyang itsura. Mukhang plano niyang ihagis sa akin ang hawak niyang palakol.
"Huwag ka pong mag-alala, hindi po ako magsusumbong," saad ko habang dahan-dahan akong lumalapit sa kanya.
Sinulyapan ko ang isang nakagapos na lalaki na wala nang mga hita at binti. Namimilipit ito sa sakit habang humahagulgol. Para namang humihingi ng tulong sa akin at nagmamakaawa ang isa pang lalaki na buo pa rin ang katawan.
Pilit kong itinatago ang takot at kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang takot na iyon dahil wala rin naman akong pinagkaiba sa kanya.
Nang makalapit ako, tinitigan niya akong mabuti. Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa, saka ngumiti nang matamis.
Bakit siya ngumingiti? May masama ba siyang balak sa akin?
Nagulat na lamang ako nang bigla niyang ihagis ang palakol sa isa pang nakagapos na lalaki na may tape pa sa bibig, at tumama ito sa bahaging kinaroroonan ng kanyang ari. Napangiwi ako nang impit itong humiyaw sa sakit.
"Look at that," rinig kong saad niya. "A few hours ago, you thought you were untouchable. Now you're crying over a piece of flesh."
Napatawa siya nang mahina.
"You know what I find amusing? Men like you always think you're predators."
Bahagya niyang ikiniling ang ulo.
"But the moment a real monster walks into the room, you start begging like prey."
"Anong kasalanan nila sa 'yo?" tanong kong puno ng kuryosidad. Wala naman sigurong masama kung magtanong ako, hindi ba?
Hindi siya agad sumagot. Sa halip, umupo muna siya sa tabi ng lalaking sinaktan niya at tinitigan ito nang mabuti. Makikita sa kanyang mukha ang matinding tuwa.
"This one?" he said with a smile, glancing at the man whose leg he had just severed. "He irritates the hell out of me. He never shuts up and keeps spewing bullshit."
Itinuro niya ang isa pang lalaki.
"And this one... well... I caught him harassing a pregnant woman."
Napabuntong-hininga siya na para bang labis siyang nadismaya.
"Do you have any idea how hard it is to infuriate me? Every day, I meet and interact with cult leaders, serial killers, corrupt politicians, and dumb celebrities..." Umiling siya. "Yet somehow, these two idiots still managed to get on my nerves."
Muli siyang ngumiti.
"I swear, some people wake up every morning and make it their life's mission to become a public inconvenience."
Bahagya siyang umiling.
"And unfortunately for them, I take my community service very seriously."
Tumayo siya at tuluyang pinugutan ang ulo ng unang lalaki. Muli niyang inangat ang palakol at doon ko nakita kung paano niya tinadtad ang katawan nito na para bang isa lamang itong piraso ng karne. Wala siyang pakialam kahit nagsisitalsikan na ang dugo at iba pang bahagi ng katawan sa paligid.
Ganoon din ang ginawa niya sa isa pang lalaki. Halata sa kanyang mukha ang matinding kasiyahan, na para bang nasa sukdulan siya ng ligaya habang ginagawa niya iyon.
Gusto kong himatayin at masuka sa mga nakikita ko, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayaw kong isipin niyang mahina ako.
Tahimik ko siyang pinanood habang patuloy niyang tinadtad sa mas maliliit na piraso ang katawan ng dalawang lalaki. Parang wala lang ito sa kanya. Mukhang ilang beses na niyang nagawa ito base sa kanyang kilos.
Pagkatapos niyang masiyahan sa kinalabasan ng kanyang obra, kumuha siya ng malaking itim na plastik at inilagay rito ang mga pira-pirasong bahagi. Maging ang mga tumalsik kanina ay isinama niya rin.
Pinanood ko rin kung paano niya nilinis nang mabuti ang pinangyarihan ng krimen. Para bang walang nangyari sa lugar na iyon. Wala nang bakas ng dugo, wala na ring kalat na bahagi ng katawan, at malinis na rin ang palakol na ginamit niya.
"How 'bout you?"
Bumalik sa kanya ang atensyon ko. Nakasandal na siya sa kanyang sasakyan habang pinagmamasdan ako.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"You look too innocent to be a killer, so what's your story, little bunny?"
Hindi ko alam kung dapat ko bang ikuwento sa kanya ang nangyari sa akin kanina. Baka kasi hindi siya maniwala dahil ilang beses na rin akong hindi pinaniwalaan ng mga tao.
Ilang minuto rin ang lumipas bago ako huminga nang malalim at nagsimulang magkuwento. Sana hindi ko ito pagsisihan.
"Pinatay ko iyong gumahasa sa akin."
Iniwas ko ang aking mga mata. Sinubukan kong patatagin ang aking boses dahil baka maiyak na naman ako habang inaalala ang bangungot na iyon. Nangako ako sa sarili ko na hindi na ako iiyak sa harapan ng ibang tao kahit anong mangyari.
"Ginawa kasi akong pambayad-utang ni Tatay sa kaibigan niyang si Mang Kanor. Tatakas na sana ako kanina, pero naabutan ako ni Mang Kanor."
Huminga muna ako ulit nang malalim bago nagpatuloy.
"Sinaktan niya ako at pinagsamantalahan. Nang makita ko ang kutsilyo, nagpasya akong lumaban kaysa patuloy na magdusa."
Sumulyap ako para makita ang reaksyon niya, pero nanatili lang siyang nakatitig sa akin na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko.
"Patay na siya nang matauhan ako."
Nakaramdam na naman ako ng galit nang maalala ko ang itsura ni Mang Kanor habang pinagsasamantalahan niya ako. Dapat pala pinaramdam ko rin sa kanya ang sakit bago ko siya tinapos. Dapat unti-unti ko rin siyang pinahirapan.
"How about your father?"
Umismid ako.
"Siguradong nagpapakalunod iyon sa alak habang ang anak niya ay naghihirap," sagot ko. "Buti na lang at hindi ko siya nakita, baka pinatay ko rin siya."
Mababakas sa aking boses ang galit.
Hindi ko akalain na hinayaan niyang mapahamak ang sarili niyang anak. Simula ngayon, wala na akong pakialam kung anong mangyari sa kanya. Mamatay siya kung mamatay siya.
Yumuko ako para itago ang mga luhang pumapatak. Kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilan ang pag-iyak.
Anong nagawa ko para maranasan ang ganitong buhay?
Inabot niya sa akin ang medyo basang pulang panyo. Kulay pula na ito dahil sa dugo.
"I'm sorry, but this is the only handkerchief I have," saad niya habang nakangiti na para bang hindi alintana ang bahid ng dugo.
Hindi ko mapigilang matawa at tinanggap ito. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang tuyong bahagi at ibinalik ito sa kanya pagkatapos. Akala ko ay itatapon niya ito, pero itinago niya sa kanyang bulsa.
"Come with me, little bunny," saad niya.
Hinawakan niya ang aking kamay at inangat ito. Napatulala ako.
"You don't need to dirty these beautiful hands of yours," sambit niya, malamig ang boses. "The world already has too many useless people doing that for you."
Humigpit ang hawak niya.
"That's not a question, but I need to hear your agreement," dagdag niya. Nakangiti siya, pero walang kahit anong init ang kanyang mga mata. "You'll just rot in prison anyway, so why not be mine? You're the only one I'll imprison."
Dahan-dahan niyang idinikit ang labi sa ibabaw ng kamay ko at hinalikan ito.
"Be my prisoner," bulong niya, halos walang emosyon. "My muse... and my sinner. I'll handle the rest."
"Huh?" iyon na lang ang nasabi ko habang pinoproseso ang kanyang sinabi. "Naka-droga ka ba, kuya?" gulat kong tanong. "Gusto mo akong maging sa 'yo?"
"I'm not asking you; I'm informing you," sagot niya habang nakangiti, pero nanatiling malamig ang kanyang mga mata.
"Gusto mo akong maging girlfriend?" naguguluhang tanong ko. "Magiging boyfriend kita?"
Humigpit ang boses niya.
"No, I don't want those hollow relationships built on useless, fleeting emotions. I want ownership. I want your body, your soul, your thoughts-everything that makes you believe you still belong to yourself. I want it to be mine. My possession."
"Sigurado ka bang hindi ka naka-droga, kuya?" tanong ko ulit.
Bahagya siyang tumawa. Kumunot ang noo ko kaya agad din siyang tumigil.
"Just be mine, and I will take you away from this place."
"Isasama mo ako paalis dito?"
Tumango siya.
"Pwede bang pag-isipan ko muna?"
"I told you it's not a question," saad niya nang kalmado pero may bahid ng aliw. "But fine. Decide."
Nanatili ang atensyon niya sa akin na para bang alam na niya ang magiging sagot ko kahit hindi ko pa iyon sinasabi.
"But don't drag it out," dagdag niya nang mahina. "I don't like waiting... and I don't like repeating myself."
Tumango ako at tumalikod para makapag-isip nang maayos.
Hindi ko alam kung papayag ba ako sa gusto niya. Baka kapag tumanggi ako ay hindi na ako makaalis sa lugar na ito. Wala naman sigurong mawawala kung pumayag ako, hindi ba? Mukhang mabait din naman siya dahil hindi pa niya ako sinasaktan at pinapatay.
"Time is ticking."
Napasinghap ako nang maramdaman ang hininga niya sa aking tainga.
"I'm not a patient man, so make up your mind now," bulong niya.
Humarap ako sa kanya at ngumiti nang matamis.
"Sige, pagmamay-ari mo na ako, pero may isang kondisyon," wika ko.
Sana tama ang desisyong ito.
"Okay, I'll humor you. What's the condition?"
Huminga muna ako nang malalim bago sumagot.
"Hayaan mo sana akong magdesisyon kung kailan ko isusuko ang sarili ko sa 'yo," wika ko. "Hindi ako ipinanganak kahapon para hindi malaman ang gusto mo, pero hindi pa ako handa. Sana maintindihan mo ako."
Alam ko na wala na ang natitirang dangal at puri na pinanghahawakan ko, pero hindi ko kayang mawala ulit iyon nang ganoon kabilis. Gusto ko kahit isang beses lang, ako ang magdesisyon kung kailan ko iyon ibibigay.
Hindi siya umimik kaya lalo akong kinabahan.
"Deal."
Para akong nanalo sa lotto nang marinig ko iyon.
"I'm just going to feed my wet puppies with these first, then we're leaving," sambit niya at saka itinuro ang itim na plastik na naglalaman ng hati-hating katawan ng dalawang lalaki kanina. Muntik ko nang makalimutan na may kinatay pala siyang mga tao.
"Sigurado ka bang ipapakain mo iyan sa mga alaga mong aso?" tanong ko. "Para namang hindi tama iyan. Dapat sinusunog mo na lang iyan kasi baka sumakit pa ang tiyan nila."
"Don't worry," sagot niya habang nakangiti, "they love eating annoying people. And they savor it more when it's someone truly disgusting."
Nagsimula na siyang maglakad papasok sa mas masukal na bahagi ng gubat. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kaya sinundan ko na lang siya at sumabay sa kanyang paglalakad. Nagulat na lamang ako nang bigla niyang pinagsiklop ang aming mga kamay, na naging sanhi ng pagdaloy ng kuryente sa aking katawan. May naramdaman din akong kung ano sa aking tiyan na parang gustong kumawala, pero mukhang gutom ko lang iyon.
Ilang minuto kaming naglakad hanggang marating namin ang tapat ng isang napakalaking balon. Kamukha ito ng balon na napapanood ko sa telebisyon kung saan may lumalabas na multong babae, mas malawak lang at mas malaki.
Sumipol siya, kaya sumilip ako at nakita ko ang dalawang malalaking buwaya na tila naghihintay.
Binuksan niya ang itim na plastik at inihagis ito sa loob. Agad itong nilapitan at nilamon ng mga buwaya.
"Let's go, little bunny," yaya niya at muling hinawakan ang aking kamay.
Pagdating namin sa kotseng iniwan niya, tinulungan niya akong ilagay ang mga gamit ko sa loob. Kaunti lang naman kaya mabilis niyang naayos.
Nang masiguro niyang walang naiwan, pinaandar niya ang sasakyan.
"Are you excited to leave this town?" tanong niya habang sumulyap sa akin.
"Oo naman... Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko. "Sumama na ako sa 'yo pero hindi pa pala natin kilala ang isa't isa."
"I'm Lucifer."
"Lucifer? Kapangalan mo iyong anghel," mangha kong sabi.
Hindi na ako magugulat kung sabihin niya sa akin na siya talaga ang totoong Lucifer. Mukha rin siyang anghel at tila bagay sa impyerno, dahil kung pumatay siya ng tao ay parang wala lang sa kanya.
"You?"
"Ako? My name is Heaven. Heaven Paraiso."
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya kumunot ang noo ko. May nakakatawa ba roon?
"Maganda naman ang pangalan ko, 'di ba?"
"Beautiful? It doesn't even come close," sagot niya habang nakatingin sa kalsada. "Ethereal is the only word I could accept for your name and your beauty, but even that feels insulting and inadequate. Still, I would call it poetry."
Biglang nag-init ang aking mukha.
Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya, pero alam kong papuri iyon.
Madalas kong marinig mula sa ibang tao na maganda ako, pero palaging may halong panghihinayang o pagnanasa, samantalang sa kanya, parang taos-puso talaga.
"Kung ganoon, bakit ka tumawa?"
"I didn't laugh because of you, nor was I mocking you," sagot niya nang mahina. "I laughed because of the irony of our names. I just can't believe there's a heaven for a devil like me."
"Ano?"
"Nothing," sagot niya. Ngumiti siya nang bahagya. "Now that I found my own heaven, I'm trying to decide if the world deserves to know you... or if I should just take you out of it entirely."
Hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi, pero mukhang masaya siya, at iyon ang mahalaga.
Kung titingnan kami ngayon, para bang wala kaming ginawang kasalanan. Para bang walang pinatay na tao ang aming mga kamay. Para lang kaming magkasintahan na normal, may payapang buhay sa mundong ito na kailanma'y hindi nabahiran ng dugo.