Agad na nagising ang aking diwa nang maramdaman kong nakahiga ako sa isang napakalambot na kama. Hindi pamilyar sa akin ang pakiramdam dahil dapat ay sa banig ako nakahiga ngayon. Wala rin akong maamoy na alak, na napaka-imposibleng mangyari.
Iminulat ko ang aking mga mata at saka dahan-dahang bumangon. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid.
Nasaan ako?
Bigla kong naalala ang mga nangyari kahapon-ang pagyayaya sa akin ni Lucifer na umalis sa Sta. Ana kapalit ng isang kasunduan at ang mabilis kong pagsama sa kanya kahit hindi pa kami ganoon kakilala.
Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Ang mahalaga ay wala na ako sa lugar na iyon. Sa wakas, natakasan ko rin ang impiyernong iyon.
"Morning, little bunny."
Lumingon ako sa aking tabi at nakita si Lucifer na kababangon pa lamang. Wala siyang suot na pang-itaas kaya hindi ko mapigilang mamangha at pagmasdan ang kanyang tikas. Puno ng mga tattoo ang itaas na bahagi ng kanyang katawan, ngunit kitang-kita ko pa rin ang kanyang mga masel at abs.
"You can touch them if you want."
"Ah..."
Agad akong umiwas ng tingin.
Bigla niyang kinuha ang isa kong kamay, kaya nabaling muli ang aking atensyon sa kanya. Marahan niyang inilapat ang aking palad sa kanyang tiyan.
Napalunok ako at agad na binawi ito. Bahagya naman siyang natawa, pero hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya.
Malamig sa loob ng kwarto, ngunit pakiramdam ko ay parang lalagnatin ako ngayon. Alam kong namumula ang aking mga pisngi sa hiya.
Ngayon lang ako nakahawak ng abs.
"By the way, did you sleep well?" bigla niyang tanong bago tumayo mula sa kama.
Ngumiti ako.
"Oo naman. Ito ang unang beses na nakatulog ako nang mahimbing. Ikaw, Luci?" saad ko.
Sandali siyang natahimik.
"Well, it was good too, actually. I didn't have any nightmares, and that's a first."
Parang may kung ano sa kanyang ekspresyon, ngunit agad din itong nawala. Ngumiti siya sa akin at marahan niyang hinaplos ang aking pisngi.
"Is it because of you?"
Naguguluhan akong napatitig sa kanya.
Ano ang ibig niyang sabihin?
Napailing siya habang mahina siyang natawa. "That doesn't make any sense."
Muli siyang natahimik, na para bang may pilit siyang inuunawa.
"Nah... That's impossible."
Dahan-dahan niyang inilayo ang kanyang kamay.
Wala akong ideya kung ano ang mga tinutukoy ni Lucifer. Mukhang wala pa siya sa wisyo dahil kung ano-ano ang sinasabi niya.
Anong oras na ba?
Sinulyapan ko ang maliit na orasan na nasa ibabaw ng maliit ding drawer na katabi ng kama at nakitang alas-dose na ng tanghali. Medyo mahaba ang naging tulog ko.
Sa sobrang pagod ko yata dahil sa mga nangyari, nakatulog agad ako pagkatapos kong maligo. Hindi ko nga naramdaman ang pagdating ni Lucifer kagabi kasi wala siya nang lumabas ako ng banyo. Wala na ako sa kondisyon para mag-isip o mag-alala pa noon, pero buti na lang ay hindi niya ako iniwan.
Bigla akong nahiya nang kumulo nang malakas ang aking sikmura. Mukhang narinig iyon ni Lucifer dahil mahina siyang natawa.
Niyaya niya akong kumain sa restawran ng hotel, na siyempre ay kaagad ko namang tinanggap. Ngayon lang kasi ako makakakain sa ganoong lugar.
"Magsisipilyo lang ako saglit, Luci," paalam ko sa kanya bago nagtungo sa banyo.
Pagkatapos kong magsipilyo ay naghilamos na rin ako. Pinagmasdan ko ang aking mukha sa salamin. Maayos at malinis na ang aking itsura ngayon, ngunit halata pa rin ang matinding pagod sa aking mukha. May malaking pasa rin sa aking pisngi na ngayon ko lang napansin.
Kaya ba niya hinaplos ang aking pisngi dahil sa pasang ito?
Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko si Lucifer na nakatayo sa balkonahe ng silid at mukhang may kausap na naman sa kanyang telepono. Batay sa kanyang ekspresyon, mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan.
Hindi ko na siya inabala pa at dumeretso na lamang ako sa aking bag na naglalaman ng aking mga damit. Hindi puwedeng mapahiya si Lucifer dahil sa suot ko, kaya maghahanap ako ng mas maayos na kasuotan.
Sinilip ko ang plastik na ibinigay ng asawa ni Kuya Miguel. Hindi ko namalayang naisiksik ko pala ito sa aking backpack.
Hinalungkat ko iyon, at hindi ko mapigilang mamangha nang makita ang isang puting bestidang may mga burdang kulay-rosas na bulaklak. May alon-along palamuti ang laylayan at mga tali nito.
Nais ko sana itong isuot, ngunit hindi ito babagay sa akin dahil puno ng mga pasa, peklat, at sugat ang aking mga braso at binti. Baka mawalan pa ng gana ang ibang tao sa restawran kapag nakita nila ang aking itsura.
Kinuha ko na lamang ang mukhang bagong pantalon mula sa plastik, isang damit na may mahabang manggas, at mga kailangan kong kasuotang panloob bago muling bumalik sa banyo upang magpalit.
Nang matapos akong mag-ayos at magbihis ay sakto ring pumasok si Lucifer sa silid.
"Is everything all right, little bunny?"
"Oo, Luci. Katatapos ko lang mag-ayos."
"Then be a good girl and stay right here. I'm just going to take a quick shower."
Tumango naman ako.
Muli niyang hinaplos ang aking pisngi, at kusa akong sumandal sa kanyang palad.
"I'd hate to come back and find my little bunny gone. So don't wander off... unless you want to see me tear this damn hotel apart just to find you."
"Sige, Luci. Hindi ako lalabas ng kuwarto."
Ngumiti siya sa akin bago nagtungo sa banyo.
Lumabas na lamang ako sa balkonahe para lumanghap ng sariwang hangin. Maaari naman siguro akong maglagi rito dahil konektado pa rin naman ito sa kuwarto.
Maliit lamang ito at hindi gaanong maluwang. May bubong ito kaya hindi ka mabibilad sa init o mauulanan. Sa isang sulok ay may dalawang puting upuan at isang maliit na puting mesang yari sa bakal. Ang mga balustre nito ay nababalot ng mga baging na hitik sa namumukadkad na mga bulaklak.
Humilig ako pasulong sa balustre at pinagmasdan ang malaking hardin na may iba't ibang uri ng halaman at mga bulaklak.
Sinong mag-aakala na makakarating ako sa ganitong lugar na nakikita ko lamang noon sa telebisyon?
"Hey."
Nabaling ang aking atensyon sa pinanggalingan ng boses at isang napakakisig na lalaki ang bumungad sa akin mula sa kabilang balkonahe.
Mahahalata mo agad na mayaman siya dahil sa kanyang itsura, pati na rin sa mamahaling kulay-abong amerikana at bughaw na kurbatang suot niya.
"Is this your first time here?"
Nahihiyang tumango ako bilang sagot sa kanyang tanong.
"I'm Ezekiel, and you are?"
"Heaven po," magalang kong sagot.
"Pretty name."
"Salamat po."
"Are you here for your honeymoon?"
Tatanggi na sana ako ngunit biglang sumingit si Lucifer.
"Don't you even think about it," sambit niya, malamig ang boses. "She's not something you get to touch, Takahashi."
Umakbay pa siya sa akin, kaya naguguluhan akong tumingala sa kanya. Ngumiti siya, pero hindi umabot sa kanyang mga mata.
Bumaling muli ang tingin niya kay Ezekiel.
"Try touching what's mine again... and I'll make damn sure you regret it."
Teka, magkakilala silang dalawa?
"Arison, my man! I didn't know you're here. Is she your new obsession?"
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Kaibigan ba siya ni Lucifer? Pero mukhang may tensyon na namamagitan sa kanila.
"It's not your damn business, Takahashi," malamig niyang sambit. Sinulyapan niya ako. "Don't mind him. He's just an annoying prick I haven't gotten rid of yet."
Hindi ako umimik. Wala akong masabi.
"Let's go?" yaya niya sa akin, at tumango naman ako.
Sinulyapan ko si Ezekiel na tahimik lang na pinagmamasdan kami.
Ano kaya ang iniisip niya?
"Alis na po kami," paalam ko sa kanya, ngunit nanatili lang siyang nakatayo habang sinusundan kami ng tingin.
Hinapit ako ni Lucifer palapit sa kanya at iginiya ako palabas ng silid.
"Don't you ever talk to strangers again, little bunny," sambit niya. "You know what they say about strangers... once they get their hands on you, there's no running from them anymore."
Hindi na ako umimik at tumango na lamang ako.
Tahimik kaming naglakad ni Lucifer sa pasilyo patungo sa elevator.
Ninakawan ko siya ng tingin.
Ang guwapo talaga ni Lucifer kahit ano pa ang isuot niya. Pakiramdam ko, kahit magsuot siya ng punit-punit na basahan, magmumukha pa rin siyang mayaman.
Kung pagbabasehan ang aming ayos, mukha akong katulong, samantalang siya naman ay mistulang amo sa simple ngunit elegante niyang kasuotan-isang puting polo na mahaba ang manggas na ipinares sa itim na pantalon na de-tela.
"Mind if I join you?"
Muntik nang kumawala ang puso ko sa aking dibdib nang biglang lumitaw si Ezekiel sa aking tabi.
Saan siya nanggaling?
Bigla-bigla na lang siyang sumusulpot. Hindi ko man lang napansin o naramdaman ang kanyang paglapit sa amin.
"Don't ever think of laying your hands on what I own, Takahashi," pagbabanta ni Lucifer. "You know exactly what happens when people ignore my warnings."
"Just chill, Arison. I just want to be friends with your gorgeous lady."
Sinamaan siya ng tingin ni Lucifer, ngunit tila wala siyang pakialam.
Bigla niyang kinuha ang isa kong kamay at marahan itong inangat bago yumuko upang halikan ang likod ng aking palad. Nang mag-angat siya ng tingin, sinalubong niya ako ng isang mapanuksong ngiti.
"It's nice to meet you, Heaven Paraiso."
Hinila ako ni Lucifer sa likod niya at tiningnan si Ezekiel nang may babala.
"Who sent you?" seryoso niyang tanong. "Was it him? How did you know we're here? Have you been tracking us?"
Humagalpak ng tawa si Ezekiel habang ako naman ay lalong naguguluhan sa mga nangyayari.
Ano bang mayroon?
"You need to relax, Arison." Tumigil siya sa pagtawa, ngunit napalitan iyon ng isang mapanuksong ngisi. "Is she your new precious toy?" Sumilip siya sa akin at kinindatan. "What if she ends up like Celia? So easy to kill."
Teka, sino si Celia? Bakit siya namatay? At sino ang pumatay sa kanya? Si Ezekiel ba... o si Lucifer?
Maraming tanong ang pumapasok sa aking isipan, ngunit isinawalang-bahala ko muna ang mga iyon dahil biglang sinuntok ni Lucifer nang malakas si Ezekiel kaya napahiga ito sa sahig.
"You don't know how to shut the f**k up, do you?"
Parang baliw si Lucifer sa kanyang itsura-may nakakatakot na ngiti sa kanyang mga labi habang walang tigil na binubugbog si Ezekiel, samantalang si Ezekiel naman ay tawa nang tawa.
Pareho silang may baluktot na personalidad at may diperensya sa pag-iisip.
"You know I don't like annoying people, Takahashi."
"Oh, really? Is that why there's a bruise on your girl's face? Did you hit her the same way you're hitting me? Hindi ko akalaing nananakit ka na pala ngayon ng babae, Arison. What do you think your mother would say?"
"You really want me to kill you, huh?"
Sumandal na lamang ako sa dingding at tahimik silang pinanood. Wala ako sa kondisyon para pigilan si Lucifer sa nais niyang gawin. Bukod sa gutom ako, ayaw ko ring ubusin ang natitira kong lakas para pigilan silang dalawa. Kasalanan din naman ni Ezekiel kung bakit siya napunta sa sitwasyong iyan, kaya panindigan niya.
Base sa mga galaw ni Ezekiel, mahusay din siyang makipaglaban. Napupuruhan nila ang isa't isa. Napaghahalataang sanay na sanay sila sa karahasan.
Ano ba itong pinasok ko?
Tama ba ang desisyon kong sumama kay Lucifer?
Sa buong buhay ng isang tao, gaano ba kaliit ang tsansang makatagpo ng kahit isang mamamatay-tao? Tapos dalawa agad ang nakilala ko sa loob lamang ng ilang oras. Kung tutuusin, tatlo na pala kami dahil nakapatay na rin ako.
Nang masiyahan si Lucifer sa ginawa niya kay Ezekiel, binitawan na rin niya ito. Mukhang sinigurado muna niyang mahihirapan itong gumalaw dahil nanatili na lamang itong nakahandusay sa sahig.
"Do you want to see more blood, little bunny?" tanong niya habang nakangiting tila baliw sa akin.
May inilabas siyang maliit na kutsilyo na hindi ko alam kung saan niya ito hinugot.
Ano bang mayroon sa dugo at ganoon na lang ang pagkahumaling niya rito?
"Puwede ko bang kausapin siya kahit saglit lang, Luci?" pag-iiba ko ng usapan.
Pero may bumabagabag din kasi sa akin at kailangan kong masagot iyon.
"Why?" kunot-noo niyang tanong. "Are you worried about him? Have you already forgotten who you belong to?"
"Hindi at hindi. May gusto lang akong malaman, at saglit lang talaga, Luci. Puwede ka namang makinig kung gusto mo," pilit ko sa kanya.
Mukhang nagdadalawang-isip pa siya kung pagbibigyan niya ba ako, kaya tiningnan ko siya nang nagmamakaawa.
"Make it quick," sambit niya at saka muling itinago ang kutsilyo. "I've lost the mood to kill."
Buti naman.
Lumapit ako kay Ezekiel, na nakahiga pa rin sa sahig, at umupo sa tabi niya. Iniabot ko sa kanya ang isang malinis na panyo, at tinanggap naman niya iyon.
"May balak ka bang patayin ako?" seryoso kong tanong.
"I don't kill people for free, Heaven," sagot niya habang may mapanlokong ngiti sa kanyang mga labi.
Talagang nakuha pa niyang ngumiti sa kabila ng kanyang kalagayan.
"And I don't kill random people who never really wronged me... unlike the man standing right beside you," dagdag niya.
Bigla naman siyang inapakan ni Lucifer sa mukha.
"Then how do you know her?" tanong niya.
Iyon din ang gusto kong malaman. Parang pamilyar sa akin si Ezekiel, pero hindi ko matukoy kung saan ko siya nakita.
"Here's a clue—Sta. Ana," maikli niyang sagot.
Bakit alam niya ang lugar na iyon? Alam ba niyang doon ako galing? Ano-ano pa ang mga nalalaman niya? Nandito ba siya para ipakulong ako?
Sinulyapan ko si Lucifer at mukhang naintindihan agad niya ang nais kong iparating kaya inalis na niya ang pagkakaapak sa mukha ni Ezekiel.
Gusto na yata talaga niyang mamatay dahil humagalpak na naman siya ng tawa. Sa sobrang inis ko, pinalo ko siya nang malakas sa braso niya.
Bakit ba siya tawa nang tawa?
"Both of you need to relax," saad niya habang dahan-dahang umupo. "Pareho kayong short-tempered."
"Paano mo nga nalaman?" tanong ko.
"Don't you remember me?"
Sinubukan ko siyang alalahanin, ngunit bigo pa rin ako.
Magkakilala ba kami?
"You used to follow me around when you were little. It's nice to see you again, Baby Ven."
Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya. Para bang may bombilyang bigla na lamang nagsindi sa aking isipan.
"Kuya El?" gulat kong tanong.
"Did you miss me, Baby Ven?"
Ngayon ko lang napagtanto kung gaano pala talaga kaliit ang mundo.