Chapter 6

2350 Words
Noong bata pa ako at maayos pa ang relasyon ng aking mga magulang, madalas akong ipinagbibilin ni Nanay kina Nanay Isay tuwing pumapasok sila ni Tatay sa trabaho. Sa bahay nila ako halos lumaki, at doon ko nakalaro si Kuya Pablo, ang bunso nilang anak na dalawang taon lamang ang tanda sa akin. Doon ko rin nakilala si Ezekiel, na tinatawag ko noon na Kuya El, ang matalik na kaibigan ng panganay nilang anak na si Kuya Miguel. Pitong taon ang agwat ng aming edad, ngunit hindi iyon naging hadlang upang maging malapit kami sa isa't isa. Sa tuwing dumadalaw siya kina Nanay Isay, hindi niya nakakalimutang kumustahin ako, bilhan ng kung anu-anong pagkain, at makipaglaro sa akin. Sa murang isip ko noon, isa siya sa mga taong palaging nagpaparamdam na mahalaga ako. Mula noon, itinuring ko na siyang parang tunay kong kuya, at itinuring niya rin akong nakababatang kapatid kahit wala kaming dugong pinagsasaluhan. Unti-unting nagbalik sa aking isipan ang isang alaalang matagal ko nang pilit isinasantabi. "Kuya El!" Agad akong tumakbo palapit sa kanya nang makita ko siyang papasok sa bakuran nina Nanay Isay. Ngumiti siya nang makita ako at bahagyang yumuko upang salubungin ang mahigpit kong yakap. "My cute baby sister!" Humagikgik ako nang buhatin niya ako at paikutin sa ere. "Ibaba mo na po ako, Kuya El! Nahihilo na po ako!" Napatawa siya bago ako marahang ibinaba. Pagkatapos ay hinawakan niya ang maliit kong kamay at magiliw akong inakay papunta sa traysikel na nagtitinda ng sorbetes. "Ano'ng gusto mo, Baby Ven?" Hindi man lang ako nagdalawang-isip. "Puwede po ba iyong sorbetes sa malaking kono?" Napangiti siya. "Oo naman. Anong flavor ang gusto mo?" "Tsokolate po!" "Okay." Sinunod niya ang hiling ko at binili ang gusto kong sorbetes. Agad ko iyong dinilaan, at halos matunaw na iyon sa bilis kong pagkain, kaya napailing na lamang siya. "Dahan-dahan. Matutuluan ka niyan. Lalagkit ang mga kamay mo." Ngumuso ako habang patuloy sa pagkain. "Masarap po kasi, Kuya El." Napatawa siya at kinuha ang panyo sa bulsa. Maingat niyang pinunasan ang gilid ng aking labi. "Ano ba naman itong Baby Ven ko. Parang bata kung kumain." Napakunot-noo ako. "Bata naman po talaga ako. Walong taong gulang pa lamang po ako, Kuya El." Mas lalo siyang natawa at marahang ginulo ang buhok ko. "Oo nga pala. You're my baby sister." Hawak pa rin niya ang isa kong kamay habang naglalakad kami pabalik sa bahay nina Nanay Isay. "Buti pinapayagan ka na ng mama mo na pumunta kina Miguel nang mag-isa." "Pumapayag po sila basta't natatapos ko ang lahat ng takdang-aralin ko bago ako makipaglaro." "Tapos mo na ba lahat, Baby Ven?" "Opo. Magaling po kasi ako." Napakamot ako sa ulo. "Sabi ng guro namin, may pho... photo... gra... phi... memory raw po ako, kaya napakatalino ko raw po. Pero hindi ko naman po alam kung ano ang ibig sabihin no'n." Napangiti si Kuya El. "Photographic memory, Baby Ven," marahan niyang pagtatama. "Ibig sabihin no'n, napakahusay mong magtanda ng mga bagay na nakikita mo." Napakurap ako. "Parang kinukuhanan po ng utak ko ng litrato?" "Oo. Kaya photographic ang tawag." Napangiti ako nang malaki. "Ang galing ko pala talaga, Kuya El!" Napatawa siya. "Oo. Mana ka kasi sa akin." Naabutan namin sina Kuya Pablo at Kuya Miguel sa beranda ng kanilang bahay. Abala ang nakatatandang kapatid sa pagtuturo sa bunso. May nakabukas na kuwaderno at aklat sa harapan nila, at puro numero ang isinusulat ni Kuya Miguel habang tahimik namang nakikinig si Kuya Pablo. "Huwag mong kalimutang ibaba ang susunod na numero," paalala ni Kuya Miguel. Napakagat-labi si Kuya Pablo habang nakatutok sa kuwaderno. Maya-maya'y isinulat niya ang sagot at iniabot iyon sa kanyang kuya. Ngumiti si Kuya Miguel. "Ayan. Tama." Napabuntong-hininga si Kuya Pablo. "Akala ko mali na naman." "Hindi naman. Nagmamadali ka lang kasi palagi." Tahimik ko silang pinanood habang dahan-dahang inuubos ang sorbetes ko. Naramdaman kong ang pagkalabit sa akin ni Kuya El kaya napunta sa kanya ang aking atensyon. "Mukhang matatagalan pa si Pablo, Baby Ven. Gusto mo bang tayo muna ang maglaro? Dala ko ang Game Boy ko. May laro akong Barbie. O kung gusto mo, salitan tayong maglalaro ng Street Fighter." Agad akong napangiti. "Talaga po?" "Oo. Kaya ubusin mo na iyang ice cream mo, Baby Ven." "You're still as messy as ever when you eat ice cream, Baby Ven." Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Unti-unti kong inangat ang aking paningin hanggang sa tuluyan ko siyang makita-ang taong inakala kong hinding-hindi ko na muling makikita sa buong buhay ko. Iniabot niya sa akin ang isang panyo, ngunit tinitigan ko lamang iyon na para bang maglalaho na lamang iyon na parang bula kapag mas matagal ko pa itong tititigan. Nang mapansin ni Lucifer na wala akong balak na kunin iyon, siya na mismo ang umabot at marahang pinunasan ang gilid ng aking labi. Tahimik akong muling sumubo ng ice cream habang nakikinig sa maiikli nilang palitan ng salita. Paminsan-minsan ay napapatingin ako kay Ezekiel. Hindi ko alam kung paano pa siya nakagagalaw sa lagay niyang iyan. Halos mabasa na ng dugo ang mamahalin niyang amerikana, ngunit tila wala lamang iyon sa kanya. Mukhang sanay na sanay na talaga siya sa pakikipagbakbakan dahil, kahit puno ng sugat at pasa ang kanyang mukha, para bang wala lamang sa kanya ang mga iyon. Sa kabila ng pag-uusap nina Lucifer at Ezekiel, hindi pa rin maalis ang nakakailang na pakiramdam na bumabalot sa aming tatlo. Pero baka ako lamang ang nakadarama niyon dahil sa sama ng loob. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang muli ko pang makikita ang matalik na kaibigan ni Kuya Miguel-ang taong itinuring kong para ko na ring nakatatandang kapatid. Labis ang lungkot na naramdaman ko nang umalis siya sa Sta. Ana. Pakiramdam ko noon, hindi lamang ako nawalan ng isang nakatatandang kapatid kundi pati na rin ng pinakamatalik kong kaibigan. Mula nang kupkupin siya ng kanyang lola matapos mamatay ang kanyang mga magulang noong labimpitong taong gulang pa lamang siya, wala na akong nabalitaan tungkol sa kanya. Ang huli kong balita tungkol sa kanya ay ang saglit niyang pagdalo sa kasal nina Kuya Miguel at Ate Amanda tatlong taon na ang nakalilipas. Hindi ako nakadalo sa kasal na iyon dahil ginanap iyon sa Maynila, at hindi rin ako pinayagan ni Tatay. Gusto akong isama nina Tatay Isko dahil sila na raw ang sasagot sa aking pamasahe, ngunit hindi talaga nagpatinag si Tatay. Marahil ay alam niyang kapag nabigyan ako ng pagkakataong makaalis sa Sta. Ana, hindi na ako kailanman babalik. "So, how have you been, Baby Ven? Why are you with this motherfucker? Is he the one who gave you that bruise on your cheek?" "You prick-" Bago pa sila muling magbangayan, mabilis akong sumingit. "Huwag mong pagbintangan si Lucifer. Wala siyang ginawang masama sa akin. Sa buong panahong magkasama kami, wala akong masasabi kundi napakabuti niya." "Then who did that to you? I'm going to kill that motherfucker." "Hindi mo na kailangang malaman pa, Ezekiel. At huwag kang magkunwaring may pakialam ka sa akin." "Why are you being so cold to me? I'm still your big brother, and you'll always be my precious little sister." Hindi ko mapigilang mapataas ang isang kilay. Seryoso ba siya? Pagkatapos niyang mawala sa buhay ko nang napakaraming taon, iniisip ba niyang ganoon pa rin ang turing ko sa kanya? "Wala akong kapatid na basta na lamang nakakalimot," malamig kong sabi. "How can you say that, Baby Ven? I never forgot about you. In fact, ikaw ang nakalimot sa akin. Ever since I left Sta. Ana, I've been sending you letters, and when I started working, I would send money along with them, but I never received a single reply from you—not even a thank you." "Ano ang ibig mong sabihin? Wala akong natanggap na kahit isang sulat o pera mula sa'yo." "What? That's impossible." "Oh... I smell something fishy. I think this is one huge misunderstanding," komento ni Lucifer na mukhang pinapanood lang ang argumento namin. Hindi na siya pinansin ni Ezekiel. "I sent you a letter every two weeks, but I never received any reply from you," madamdamin niyang pahayag. "Four years ago, I even came back to visit you to give you a phone as my graduation gift because I wanted another way for us to stay in touch. I thought writing to me might have been difficult for you, at akala ko iyon ang dahilan kung bakit wala akong natanggap na kahit anong sagot mula sa'yo. But you weren't there. Sinabi ng tatay mo na busy ka sa part-time job mo kasi gusto mong mag-ipon bago mag-senior high school. I even handed him a check worth one hundred thousand pesos because he also said you were saving up for college. I waited for you that day, but an emergency came up, so I had to leave. Before I left, I told your father to give you the phone and let you know I had come to see you." "Ano?" hindi makapaniwalang sambit ko. "And when I never heard from you, I thought you wanted nothing to do with me. That's why I stopped writing and waiting three years ago. I just hoped you were healthy and happy." "W-Wala akong alam tungkol sa sinasabi mo. Ni isang sulat o pera ay wala akong natanggap." "I think your father hid every single one of those letters from you," kalmadong saad ni Lucifer. "He probably also kept all the money and the phone." "What?!" singhal ni Ezekiel. "Why the hell would Tito Harold do something like that?" "You didn't know?" tanong ni Lucifer habang sinisilip ako. "Her father had been abusing her for years. Isn't that right, little bunny?" Tahimik akong tumango bilang pagsang-ayon. "Simula nang iwan kami ni Nanay, tuluyan ding nagbago ang trato sa akin ni Tatay. Nagpakalunod siya sa alak at palagi niya na akong sinasaktan at sinasabihan ng mga masasakit na salita." "What do you mean? Why am I only hearing about this now? Even Miguel never told me anything. All I heard was that your mother left and ran away with another man. But the abuse... I never heard a single word about it." "Dahil hindi ko ipinagsabi. Hindi ako nagsumbong kahit kanino. Ayaw ko ng gulo, at natatakot akong kapag nalaman nina Tatay Isko ang nangyayari sa akin, baka ipakulong nila si Tatay. Kahit na pinagmamalupitan niya ako, hindi pa rin magbabago na siya na lang ang natitira kong magulang," mahina kong saad. "Kahit sinasaktan niya ako, umaasa pa rin akong balang araw ay babalik kami sa dati noon, kaya tiniis ko ang lahat at itinago ko ang katotohanan." Napatulala siya. "So... the letters... all the money... the phone... you never got any of them?" "Oo. At hindi rin ako nakatungtong ng senior high school. Grade 9 lamang ang natapos ko dahil kinailangan kong unahin ang pagbabanat ng buto para matustusan ang pangangailangan namin." Napahilamos siya sa kanyang mukha habang marahang umiiling. "No... no... this can't be happening." Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at napabuntong-hininga. Nang muli niya akong tingnan, bakas na bakas sa kanyang mukha ang matinding pagsisisi. "No one... no one told me anything. God... if only I had known, Heaven... I would've taken you away from that monster. I didn't know. I'm so sorry." Binigyan ko siya ng isang maliit ngunit mapait na ngiti. "Hindi mo naman kailangang gawin iyon, Kuya El. Tapos na rin ang lahat. Inilayo na ako ni Lucifer doon, at hinding-hindi na ako babalik sa impiyernong iyon." Hindi siya agad nakapagsalita. Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin, na para bang sinusubukan niyang bawiin ang lahat ng mga taong nawala sa amin. "I'm just glad you're safe," sambit niya. "But everything would have been okay if I had known the truth sooner." Biglang natahimik ang mesa. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Ang tanging maririnig ay ang mahinang kalansing ng mga kubyertos at ang mga bulong ng iilang taong naroroon sa restawran. Sa kabila ng lahat ng nangyari, isang bagay ang naging malinaw sa akin. Hindi niya ako kinalimutan. May isang taong sadyang sumira at pumutol sa natitira naming ugnayan. Mas lalo pang kumulo ang dugo ko. Sa buong panahong iyon, akala ko ay tinalikuran na ako ni Kuya El. Akala ko ay pinili niyang kalimutan ang lahat ng pinagsamahan namin, pero mali pala ako. Iyong gagong ama ko ang sumira ng lahat. Ano ang ginawa niya sa lahat ng perang ipinadala sa akin ni Kuya El? Nasaan ang mga liham na dapat ay para sa akin? Kinuyom ko ang aking mga kamao hanggang sa bumaon ang aking mga kuko sa aking mga palad. Gusto ko siyang sakalin. Gusto kong maranasan niya ang bawat gutom, bawat luha, bawat pasa, at bawat gabing iniyakan ko. Gusto kong umiyak siya ng dugo habang nagmamakaawang patawarin ko siya. Anong klaseng ama ang kayang gawin ang lahat ng iyon sa sarili niyang anak? Naramdaman ko ang marahang pagpatong ng palad ni Lucifer sa aking kamay. Bahagya niya iyong hinaplos at pinisil. "You should let Takahashi hunt your father," biglang saad ni Lucifer. "He should feel the anguish you experienced." "Would that be okay with you, Baby Ven?" Tahimik kong pinag-isipan ang sinabi niya. May bahagi ng puso ko na gustong makita ang paghihirap ng lalaking sumira sa buong buhay ko. Gusto kong masaksihan ang unti-unting pagkawala ng buhay sa kanyang mga mata. Ngunit ayaw ko ring magkaroon ng panibagong problema. Ayaw kong madagdagan pa ang gulo, lalo na ngayong sa wakas ay nakalayo na ako sa impiyernong iyon. Nang timbangin ko ang mga posibleng kahihinatnan at ang magiging kapalit ng paghihiganti, dahan-dahan akong umiling. "Hayaan na natin siya," mahina kong sagot. "Sa dami ng alak na nilalaklak niya araw-araw, sigurado akong may taning na rin ang buhay niya. Hindi natin kailangang dungisan ang ating mga kamay para lang sa isang walang kuwenta at mas masahol pa sa hayop na tao." Siguraduhin na lamang niyang hinding-hindi na muling magtatagpo ang aming mga landas, dahil ako mismo ang kikitil sa walang silbi niyang buhay. "Then come with me, Baby Ven."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD