Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan, tuloy pa rin ang communication nila Ayen at Bernie. Halos wala namang nagbago sa relasyon nila ng lalake, dahil palagi pa rin itong tumatawag at nangungumusta sa kaniya. Hindi na nga lang sila kagaya ng dati na overload sa lambingan. Hindi rin niya kinukumusta kung ano na ang sitwasyon nito at ng asawa nito. Ayaw kasi niyang masasaktan sa kung anomang maririnig mula rito. So for now, parang sila pa rin naman ni Bernie, na hindi. As of Sophie, hindi na siya muling ginulo pa nito matapos nitong tumawag sa kaniya’t magpakilalang asawa ni Bernie. Tuloy pa rin ang buhay kahit na medyo hindi okay ang sitwasyon nila ngayon ni Bernie. Nandiyan naman ang mga kaibigan niyang hindi umaalis sa kaniyang tabi. Kagaya ngayon, nasa BSC sila nang biglang magyaya si

