Kagaya nga ng sinabi ni Max kay Bernie kagabi, nagising siyang masakit ang kaniyang ulo. Nasobrahan yata siya ng inom kagabi, mabuti na lang at wala silang pasok ngayon, dahil kung hindi, malamang na masabon lang sila ng kanilang amo. Unti-unti siyang bumangon mula sa kinalulugmukang sofa at nasapo ang kaniyang ulo. Napalinga-linga pa siya upang alamin kung tama ngang nasa sofa siya ngayon, at wala sa kaniyang kama. Bilang kasagutan naman sa kaniyang katanungan, nakita niya ang nagkalat na bote ng mga beer sa kanilang sala, at ang basag na boteng nagkalat sa sahig. Hindi niya matandaan kung anong nangyari kagabi, matapos nilang magpakalango sa alak ni Max. Actually, siya lang pala, dahil natatandaan niyang hindi lang iisang beses siyang inawat ni Max sa pag-inom. Napahawak siya sa kaniyan

