Chapter 29

1665 Words

Nanlumo bigla si Bernie matapos nilang mag-usap ni Ayen. Hindi niya akalain na aabot sila sa ganoon. Ang akala kasi niya ay hindi na manggugulo si Sophie, since umabot na sila ni Ayen ng ganoon katagal na wala naman itong ginagawang kakaiba. Hindi siya makapapayag na masayang lahat ng pinagsamahan nila ni Ayen ng dahil lang kay Sophie. “Oh, anong nangyari sa iyo?” tanong ni Max na kapapasok lang sa kanilang kuwarto. Agad naman siyang nagpunas ng kaniyang luha bago nakayuko ang ulong nakatingin lang sa kaniyang cellphone. Tinititigan niya mula roon ang wall paper niyang picture ni Ayen ang nakalagay. Kuha iyon sa Antipolo nang i-celebrate nila ang birthday nito. Nakangiti ito habang nakatayo sa lanai ng bahay ng kaibigan. “Gusto mo bang pag-usapan p’re?” muling tanong ni Max sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD