Inagahan ni Bernie ang magtungo sa bahay nila Ayen upang maibigay sa ate Donna niya ang kaniyang mga pasalubong para rito. Nasa tapat na siya ng bahay ng mga ito nang kumatok siya mula sa pintuan ng mga ito. Agad naman siyang pinagbuksan ng ate ni Ayen at pinatuloy sa kanilang bahay. “Good morning po,” nakangiti pa niyang bati rito. “Good morning din, ang aga mo yata. Anong oras ba ang usapan ninyo ni Ayen?” tanong pa nito sa kaniya. “Ahm, alas siyete po sana, kaso mukhang tulog pa si Ayen.” Napakamot pa siya sa kaniyang ulo pagkatapos sabihin iyon sa ate nito. “Para nga pala sa inyo. Pasensiya na po at iyan lang ang naiuwi ko,” nahihiya pa niyang saad dito, habang iniaabot ang isang malaking plastic na may lamang mga pasalubong. Inabot naman ng ate ni Ayen ang plastic na kaniyang dala

