Walang pagsidlan ang kaligayahang nadarama ni Bernie ngayong araw. Bukod sa napasaya niya si Ayen, natupad na rin ang matagal na niyang kinapananabikang gawin. Ang mayakap at mahagkan sa mga labi ang kaniyang kasintahan. Hanggang sa mga sandaling ito, ramdam na ramdam pa rin niya ang malambot nitong mga labi sa kaniyang mga labi. Sinadya niyang huwag ipaalam sa kasintahan na uuwi siya para sa kaarawan nito, dahil nga sa kagustuhan niyang masupresa ito. Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya kung paanong hindi makapaniwala ito, sa bigla niyang pagsulpot kanina sa tambayan ng mga ito. Laking pasasalamat talaga niya sa kaibigan nitong si Angie at tinulungan siya nito para sa surprise na iyon kay Ayen. FLASHBACK... Isang lingo bago sila mag-usap ni Ayen ay pinayagan na siyang magbakasyon

