“Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you… tenterententen… sa iyo ang inumin, sa iyo ang pulutan, happy, happy, happy birthday… sana mabusog mo kami!” sabay-sabay na kanta ng mga kasamahan niya sa trabaho. Nasa kusina sila ngayon at nagkakatuwaan. “Salamat nang marami sa inyong lahat! Na-touch naman ako,” maramdaming saad pa niya sa mga kasamahan. “Hep! Make a wish and blow the candle,” singit ni Angie saka iniharap sa kaniya ang kaniyang cake. Pumikit naman siya at nag-wish bago hinipan ang kandila. Nagpalakpakan pa ang mga kasamahan niya matapos niyang ihipan ang kandila ng kaniyang mocha cake. Muli naman siyang nagpasalamat sa mga ito, bago nagsibalikan sa kani-kanilang trabaho ang mga ito. Habang sila namn ni Angie ay itinab

