Someone’s POV “Hindi puwede ito Bernie! Gano’n na lang ba iyon? Humanda ka!” galit na wika niya habang mahigpit na hawak ang kaniyang cellphone. Umalis siya mula sa terrace kung saan siya nakatayo kaninang kausap niya si Bernie at nagtungo sa kusina upang magsalin ng alak sa baso. Nagpupuyos siya sa galit sa pambabale-wala ni Bernie sa kaniyang mga sinasabi. Hindi siya makapapayag na basta na lang iyon gawin sa kaniya nito. “Makikita mo Bernie kung anong kaya kong gawin,” kausap pa niya sa kaniyang sarili, saka nilagok ang alak sa kaniyang baso, at muling nagsalin ng panibago. Nanggigigil siya sa inis kay Bernie, pero wala naman siyang magagawa ngayon dahil nakaalis na nga ito. Pero hindi ibig sabihin noon na titigilan niya ito. Sa ginagawang iyon ni Bernie, lalo siyang nangangating g

