Chapter 20

1501 Words

“Ang tagal mo yatang nakipag-usap sa telepono ngayon ah, sino ba iyon?” tanong ni Max kay Bernie nang makabalik na siya sa sala. Nang mag-message kasi si Ayen sa kaniya kanina ay nagpaalam siya sa mga kasama, bago lumabas ng kanilang tinutuluyan upang tawagan ang dalaga. Sa sobrang sarap ng usapan nila ni Ayen ay hindi na nila namalayan ang oras. Inabot sila ng dalawang oras sa pag-uusap, kung hindi pa sinabi nito na mahal na ang babayaran niya ay hindi pa talaga sila magpapaalamanan sa isa’t isa. “Wala,” nakangisi niyang saad sa mga ito. “Alam mo ikaw, kanina ka pa wala nang wala, akala ko ba may sasabihin ka sa amin kaya ka nagpapainom ngayon?” reklamo pa nito sa kaniya. Tumawa naman siya dahil halatang nayayamot na ang kaibigan sa kaniya. “Girlfriend ko iyon,” sagot na lang tuloy ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD