Malapad ang pagkakangiti ni Bernie matapos mabasa ang mensahe ni Ayen sa kaniya. Kulang na lang magtatatalon siya sa tuwa kung hindi lang nakakahiya sa mga kasamahan niya. Baka kasi isipin ng mga itong nasisiraan na siya ng bait kapag ginawa niya iyon. Kaya mas minabuti na lang niyang sarilinin ang kaniyang kaligayahan, saka na lang niya ibabahagi iyon sa mga kaibigan kapag sure na sigurado na siyang sila na nga ni Ayen. “Mga p’re! Maligayang pagbabalik!” sabi ni Roger sa kanila nang makarating na sila sa bahay na tinutuluyan nila. Masayang-masaya ito dahil may makakasama na ito ngayon sa kanilang bahay. Nagkataon kasing nagsabay-sabay ang bakasyon nilang tatlo nina Peter at Max, kaya naiwan itong mag-isa roon. Kaya ngayon ay sabik na sabik itong makita silang muli. “Miss na miss mo ba

