Lingid sa kaalaman ni Ayen, nang mga panahong hindi tumatawag si Bernie sa kaniya ay inaayos na nito ang annulment documents nila ni Sophie. Kumunsulta si Bernie sa isang abogadong kakilala ni Roger, at humigi siya ng advise rito. Hangga’t maaari sana ay ayaw niyang mapasama si Sophie, pero wala na rin ibang paraan para mapabilis ang kanilang annulment. “So, ano nang plano mo p’re?” tanong ni Roger sa kaniya. “Kakausapin ko muna si Sophie p’re, para hindi siya mabigla. Kahit naman maghihiwalay na kami, ayaw ko pa rin siyang masaktan ng todo, at ayaw kong sumama ang tingin sa kaniya ng anak namin,” sagot niya sa kaibigan. Naglakad siyang patungong kusina upang kumuha nang malamig na tubig. Habang si Roger naman ay nag-inat ng katawan sa sofa na kinauupuan nito, kaninang dumating siya sa

