bc

Mas Maganda Pa Sa Babae

book_age18+
15
FOLLOW
1K
READ
dark
forced
submissive
stepfather
twisted
transgender
small town
abuse
humiliated
brothers
like
intro-logo
Blurb

Ito ay istorya ng isang magandang nilalang na kapapanganak palang ay napunta na sa apoy ng impyerno. Masalimuot, paghihirap, pagdurusa, peligro, at pighati sa isang mapag abusong pamilya na kahit kelan ay hindi ata magaganap sa isang takbo ng buhay.

chap-preview
Free preview
Unang Yugto - Pagtatagpo
Ako si Simon ang bida sa istoryang ito, ikekwento ko sa inyo ang malagim na trahedya sa aking buhay. Uumpisahan ko ito noong ako bata pa lamang edad na limang taong gulang noong ako'y isinama ng aking magulang mamili sa isang supermarket sa Tandang Sora noong 1996. Magkasama kami ni Nanay na namimili ng mga gamit sa isang supermarket. Masaya kami naglalakad at ako naman ay nagtuturo pa ng mga candy at laruan na makita ko. Sa isang iglap may kumausap sa aking ina na dati niyang kaklase sila ay busy sa pagke kwentuhan. May nakita akong pulang bola na gumulong, ako ay bumitaw ka kamay ni inay, sinundan ko ang bolang pula dahil sa angking ganda nito. Hinabol ko ng hinabol hanggang sa tumama sa paa ng isang lalake na medyo may edad na. Ako ay napatingin sa mukha ng lalake. Maputi ang buhok nito, may salamin, makapal ang balbas, at naka sumbrero. Sabi sa akin ng lalake " baby boy gusto moba itong bola at gusto bibigyan din kita ng madaming candy tara sumama ka" tumingin ako ng saglit kay inay nakita ko siya na busy padin sa pakikipagusap dahil mahina pa ako sa decision making that time dahil sa ako ay bata pa. Inabot ko ang inaalok na kamay ng matandang lalake. Simula noon ay hindi kona nakita pa ang inay ko. Dinala ako ng lalake sa isang liblib na lugar at isinakay sa isang kotseng pula, sa sobrang layo ng pinuntahan namin ay ilang beses ako nakatulog sa byahe. Ako ay wala pang malay dahil sa ako ay limang taong gulang pa lamang. Hindi ako natatakot kung ano mangyayari sa akin sa pagsama ko sa matandang ito. Noong ako ay magising sinabi ko sa matandang lalake na pwede po bang umuwi na ako baka hinahanap na ako ni Nanay. Ang sabi ng lalake "huwag kang magalala pupunta tayo sa lugar kung saan maraming laruan, ice cream, candy, at pwede ka maglaro doon hanggat gusto mo. Tapos ay uuwi na tayo sa iyong nanay huh ang sabi niya sa akin" ako ay naniwala at tumango sa sinabi niya. Pagka lipas ng ilang oras na byahe ay sa wakas nakarating na kami sa bahay na sinasabi niya. Ang bahay ay maituturing na luma na, ito ay dalawang palapag na bahay at wala man lang ni isang kapitbahay. Pag pasok sa pintuan ng bahay lumangitngit pa ito ng bahagya. Pag bukas ng pintuan ay maituturing ang bahay na malaki talaga. May sumalubong sa amin na magandang babae na nasa edad 38. Tinignan niya ako ng masama at sinabi na "ito na pala ang magiging anak natin Eduardo?" nagulat ako sa narinig ko kaya ako ay umiyak ng malakas, nagwala ako sa hawak sa akin ng lalake at gusto kong kumawala pero wala akong nagawa. Sumagot ang lalake "Oo siya na ang magiging anak natin siya na ang ipapalit ko sa nawala nating anak na si Eddie" Sumigaw ako ng malakas "ayaw ko po, gusto kona po umuwi sa nanay ko...!" Sumagot si Eduardo at sinabing " Hindi na anak dito kana simula ngayon, dito kana sa amin ni Nanay Lucia mo" nanginginig na wika ni Eduardo sabay tanggal sa pekeng balbas, tanggal ng wig at sumbrero, pati salamin ay kanyang tinanggal. At nakita ang mukha nya may ngisi at doon ko nasilayan ang mukha ni Satanas. Kagimbal gimbal ang pakiramdam ang mawalay ka sa iyong kinalakihan na magulang. Takot at pangangamba ang aking naramdaman. Kilabot sa pwede kong sapitin sa dalawang nilalang na hindi ko lubos na kilala. Ang reaksyon ko bilang isang musmos ako ay nagsisigaw ng "Nanay.. NANAAAYYY ASAAN KAAAAA... TULONG PO.. IBALIK NIYO PO AKO SA NANAY KOOOO!" Tumawa lang si Eduardo - ngumiti na parang nakakaloko at sinabi na " tama na walang mangyayari ang pag sigaw, hiyaw, at pagwawala mo.. Simula ngayon tatawagin ka naming Angelita anak, ikaw na ang papalit sa nawala naming anak na si Eddie na ginawa naming si Rossie, gusto talaga namin magka anak kasi ng babae kaso ay lalake ang lumabas sa aking asawa na si Lucia! Ikaw ang papalit at hahalili kay Rossie! Ikaw ang tutupad ng aking mga ekspiremento at babago sa mundo! Baliw na pagkakasabi ni Eduardo" At dito na nag simula ang napaka dilim na kwento ng aking buhay... Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Claimed by My Broken Bodyguard

read
14.4K
bc

FYI, Mr. Ex, I'm Billionaire's Heiress

read
29.0K
bc

Erotic one shots book 2

read
96.6K
bc

Tempted By My Sister's Boyfriend

read
3.5K
bc

The Golden Lycans

read
39.1K
bc

Varsity Bad Boy Series

read
221.4K
bc

My Brother's Bestfriend

read
2.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook