Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 53 IVY’S POINT OF VIEW Bago niya iniabot ang cheke para ilagay ng dealer sa gitna ay tumingin siya sa akin. “If you win, you decide what prize do you want to add, my watch or my car. You can have it with 100,000 million but if I win, akin ang isang gabi mo.” Napalunok ako. Nagkatinginan kami ni Calvin na nasa likod niya. Hindi ko alam kung itutuloy ko ang sugal. Nanghihina na nga ako sa unang bet, nadagdagan pa. Risky yung pangalawa niyang bet. Naghihintay ako ng desisyon ni Calvin. Tumango siya. Napabuntong-hininga ako. Nanlambot. Kinabahang matalo. Itinaas niya ang kamay niya, nakikipagkamay siya sa akin para makipag-deal. Muli akong tumingin kay Calvin, gusto kong i-atras niya na lang pero nakita ko pa si

