Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 52 IVY’S POINT OF VIEW Tumingin ako sa dealer. Naglabas ako ng 10,000 dollars o nasa 500,000 pesos para papalitan ng chips. Nakangiting tinanggap ng dealer. Ikinalat niya ang 10,000 sa table para makuha ng camera at nagbilang siya ng chips saka niya sa akin padausdos na ibinigay. Ilang araw ko ring inaral ito, kinakabahan na matalo ngunit kailangan. Isang milyon lang ang dala kong perang cash pero may dala akong check. Sinabi sa akin ni Calvin na kung matalo ako ng isang milyon, that’s okey. Kasama sa sugal pero kapag nanalo ako, akin ang panalo at hindi sure siya na hindi raw ako titigilan ni Jaxon hangga’t hindi siya sa akin makababawi. Hindi man ako masyado pang maalam pero basic knowledge and luck will help me

