Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 45 Ito ang mga bagay na hindi naming nagawa ni Jaxon noon. Yung quality time na maipadama namin sa isa’t isa ang aming pagmamahalan. Ano bang ginawa ng dati kong asawa sa akin? Binusog niya ang ng mga mamahaling mga gamit at bagay na hindi ko naman nadala nang tumakas ako at hindi ko naman na-appreciate nang sinasaktan niya ako. Yes, we did s*x pero most of the time, binubugbog na muna niya ako. Hindi kami nagkaroon ng sweet moments kagaya ng ipinapadama sa akin ngayon ni Calvin. Hindi kami nagbakasyon. Hindi niya hinahawakan at pinipisil ang kamay ko habang nakatingin kami sa luntiang farm na ganito. Hindi niya ako kinakantahan. Hindi nangako na hindi ako sasaktan bagkus impyerno ang naging buhay ko sa kanya. Kaya

