Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 46 JAXON'S POINT OF VIEW Maaga akong pumasok sa opisina nang umagang iyon. Gulung-gulo pa rin kasi ang isip ko sa nangyari nang madaling araw ng Sabado. Iniisip ko kung paanong nakapasok si Ivy na mag-isa sa bahay ko? Anong nangyari at ganoon na siya kalakas ngayon? Ganoon na siya kabilis kumilos, ganoon na siya kaganda uli. Sino ang tumutulong sa kanya para gawin ang mga imposibleng iyon na ni minsan hindi ko inakalang kaya niyang gawin. Naging palaban siya. Naging isang babaeng hindi ko na alam kung paano ko siya ituring. Umupo ako sa aking mesa. Kinuha ko ang files ng aking mga appointment at kakausaping mga guests ngayon tungkol sa isang properties na kailangan kong ibenta dahil hindi na siya prod

