Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 47 JAXON'S POINT OF VIEW Minsang nagkayayaan ang grupong ko sa Batangas, kahit pa noon ay may kasama na akong syota ay nabighani pa rin ako sa ganda ng isang babaeng nagtitinda lang ng kakanin. Maputi, makinis, balingkinitan at mukhang inosente. Alam kong kapag susuotan siya ng mamahalin, maayusan ng husto, magiging isang napakagandang babae. I was instantly mesmerized with her beauty. Kaya hindi ko na tinigilan. Hindi ako sanay mahindian. Hindi ako sanay mabigo. Alam ko ang kulang at wala siya. Alam ko kung ano ang kahinaan ng kagaya niya. Pera. Iyon ang giamit ko para ibigin niya ako. Isa pa, alam kong angkin ko naman ang hindi mahindiang kaguwapuhan. Napakarami ngang nag-aaway na mga babae sa akin masolo lang a

