Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 48 JAXON’S POINT OF VIEW Nang mag-asawa na kami, binihisan ko siya, pinaganda pa lalo, ipinakilala sa lahat. Nagpakasal kami at naging sobrang saya ko. Lahat ng tao noon sa bahay pati si Aling Pacing, masaya dahil sa ipinakita kong pagbabago. Pinagbuti ko ang aking pag-aaral. Inaral ko ang aming negosyo. Lahat ng ipinangako ko kay Lizzie noon ay ibinigay ko sa kanya. Pinaturuan ko siyang magmaneho. Binilhan ng sarili niyang sasakyan. Nagpatuloy siya sa kanyang pag-aaral. Naging malaya siyang gamitin ang aking mga credit cards, naging maluwag ako ng pera sa kanya at nagtanga-tangahan sa pamemera sa akin ng kanyang mga magulang. Wala akong naiisip na mali ko kay Lizzie. Walang sagot na hind isa akin pagdating sa mga

