Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 50 JAXON’S POINT OF VIEW Tumunog ang telepono. Para akong bumalik sa kasalukuyan mula sa malalim na pagbabalik sa nakaraan. Sa tagal ng panahon, ngayon lang ako naluha. Anong ibig sabihin nito? May pakiramdam na uli ako? “Yes?” tanong ko nang pinindot ko ang speaker ng telepono. “Sorry po sir. Dumating na po si Miss Margarette Gomez.” “Okey, in 3 minutes, let her in.” garalgal ang boses na sagot ko. Huminga ako ng malalim. Pinunasan ko ang aking mga luha. Inayos ko ang sarili ko sa CR ng aking opisina. Hindi ko naiintindihan kung bakit ako excited na kinakabahan sa pagkikita naming sa babaeng kanina ko hinihintay. Titinitigan ko nang malapitan ang muk

