TINA
Nakarating na kami dito sa mall nang mga kaibigan ko, kapag stress ako sa magulang ko at kapag masama ang loob ko ay ito talaga ang gusto kong ginagawa ang mag shopping. Dati mag isa lang akong napunta ng mall noong hindi ko pa kilala si Angel at Lei pero ngayon kapag galit ako sa mundo at sila na ang sumasama sa akin.
Alam nila kung ano ang problema ko sa parents ko, madalas nga nilang sabihin sa akin na maswerte p din ako dahil lahat nang kailangan ko ay nasa akin na. Siguro para sa kanila pero hindi naman kasi lahat nabibila nang pera sabi nga money can't buy happiness because for me love is more important than money. Iba iba lang siguro ang perspektibo natin pag dating sa ganyang bagay kaya hindi ko din sila masisisi kung ayun ang pananaw nila.
Masaya kaming nagtatawanan habang papasok sa department store plano kong ibili sila nang damit at grocery bilang pasasalamat sa palaging pagsama nila sa akin.
"Pumili na kayong dalawa nang gusto niyo at ako ang magbabayad." masaya kong sabi sa kanila.
"Nakakahiya naman Tina okay na kami sa pa foods lang, kahit wala nang paganito." nahihiya namang sabi ni Angel.
" huwag na kayong mahiya, walang wala yan kumpara sa pakikinig niyo lagi sa mga hinanakit ko sa buhay." nakangiti ko pa ding tugon sa kanila.
"Hindi ba magagalit ang mommy mo Tina kapag nalaman niya na palagi mo na lang kami nililibre? Baka pag nalaman niya magalit sila sayo lalo na lalaki ang problema mo sa parents mo?" nag aalalang sabi ni Lei.
"Don't worry wala naman pakialam ang mommy ko kung magkano ang nagagastos ko araw araw, hindi nga sya nag checheck kung kamusta ako, mag check pa kaya nang bank account ko." malungkot kong sagot sa kanila.
Naglibot libot na kaming tatlo dito sa department store puro ako tawa dahil sa dalawa kong kasama panay ang sukat nila nang damit at pinagtatawanan nila ang isa't - isa.
"Lei, maawa ka sa damit puputok na yan sayo, muka kang binilot na suman." Mamatay matay sa kakatawa na sabi ni Angel kay Lei.
"Wow, nagsalita ka naman, anong feeling mo ang seksi mo?" nakaismid na sagot naman ni Lei kay Angel.
Habang nagbabangayan silang dalawa ako naman ay nakikitawa lang sa kanila. Ganito ang namimiss ko kapag mag isa lang ako sa bahay ang masayang tawanan nang mga kaibigan ko. Kahit na may kapatid akong lalaki ay hindi ko din maramdaman dahil kagaya ko ay mas pinili niyang lumayo sa magulang namin noong mag binata na siya. Mas pinili niyang mamuhay sa Canada nang mag isa para mas maging malaya at magawa ang mga gusto niyang gawin.
My brother's dream is to become a skilled painter, kaya nag aral siya nang Fine Arts noon. But when our parents found out, they immediately stopped him because they wanted both of us to excel in business instead. Hindi sinunod ni kuya ang kagustuhan ng magulang namin na mag aral siya nang Business Administration, my kuya used his savings to fly to Canada and continue pursuing his passion for painting. Since then, he hasn't returned to the Philippines. I wish he were here , even just to have someone on my side. But he left me too, and i understand his decision to move away.
"Hoy, Tina ang lalim naman yata nang iniisip mo, parang hindi namin maarok." biro ni Lei.
"Nothing, naisip ko lang ang kuya ko."
"Ay, may kuya ka pala akala namin solong anak ka lang, siguro gwapo din yang kuya mo kasi sobrang ganda mo eh!" sabi ni Angel sa akin.
Natawa naman ako sa sinabi niyang sobrang ganda, but kidding aside maganda naman talaga ako ayan ang minana ko sa mommy ko. Ang magandang hugis nang katawan, mahaba at maitim na buhok, maputi at makinis na balat at magandang mukha.
"Oo naman, nasa Canada nga lang siya ngayon, doon na siya nakatira at wala na yatang plano na bumalik dito sa Pilipinas." sagot ko sa kanila. "Oh, tapos naba kayo mamili nang mga damit niyo para mabayaran na natin yan." aniya ko sa kanila.
"Okay na itong sa akin," sagot ni Lei. "Ikaw Angel mukang kinuha mo nang lahat?" pang aasar ni Lei kay Angel.
"Ay hala sya, yang bunganga mo naman Lei, di naman ako ganun kakapal no limang piraso lang ito, gagawin ko nga sanang sampu kaso baka maingit ka kaya lima na lang." tumatawang sabi ni Angel kay Lei.
"Lei baka gusto mo pang dagdagan yan nang dalawa para saktong limang piraso din yang sayo, para hindi ka mag selos kay Angel huwag ka nang mahiya sa akin." nakangiti ko ding sabi kay Lei. Agad naman siya bumalik sa mga nakasabit na damit at muli siyang namili.
Nang matapos sila ay dumiretso na ako sa cashier para bayaran ang mga pinamili nila. Masaya ako para sa kanila kita ko sa mga mata nila ang kaligayahan dahil sa mga damit na hawak nila. Wala man silang naibibigay na materyal na bagay sa akin ay nagpapasalamat pa din ako sa knilang dalawa dahil kapag kailangan ko sila ay lagi lang silang nandiyan para damayan ako. Malaking bagay na sa akin ang prisensya nilang dalawa para maging masaya ako.
Niyaya o na silang kumain, sila na din ang pinapili ko kung saan kami kakain at sa isang fast food chain kami dumiretso. natutuwa talaga ako sa mga kasama ko wala silang sinasayang na pagkain pag sila ang kasabay ko ay napaparami din talaga ang kain ko. Hindi yata uso sa knila ang salitang diet pero infairness naman sa kanila ay seksi din sila halos pantay pantay lang kami nang ganda.
"Tina masaraming salamat sa libre, bukas ulit." sabi ni Angel habang patuloy nang pagkain ng burger.
"Angel ang kapal mo din, hindi kana nahiya pero pwede bang pa takeout para sa mga kapatid ko." Hirit ni Lei kaya sobrang lakas nang naging tawa ko.
Tumayo ako at nagpunta sa counter para makapag order pa nang para sa family nila, mababait ang mga magulang nila at mga kapatid kaya ayos lang naman sa akin ang gumastos, pagkain naman ito kesa ibili ko nang mamahaling bag mas magiging kapakipakinabang kung pagkain na lang nila ang bibilihin ko.
"Nandito na ang take out ninyo, tara na sa grocery para malapamili pa kayo nang iuuwi ninyo para sa pamilya niyo nang hindi na din tayo gabihin." sabi ko habang papalapit ako sa kanila. Tumatangi pa sila dahil sapat na daw ang lahat nang ibinigay ko sa kanila but I insist, maliit lang naman na halaga ang nagastos ko sa kanila unlike kapag ang kasama ko ay mga classmate ko sa university na pagkain pa lang namin sa restaurant ay libo na ang binabayaran ko .
Paglabas namin nang mall ay gabi na hindi namin namalayan ang oras hinatid ko na sila sa kanila pero hindi na ako bumaba nang sasakyan.
Nakauwi ako sa bahay nang mga eight na nang gabi kita ko ang pag aalala ni manang nang salubungin niya ako.
"Iha, kanina pa tawag nang tawag ang mommy. Tinatanong ako kung saan ka nag punta? Hindi mo daw sinasagot ang tawag niya sayo." nag aalalang sabi sa akin ni Manang.
"Hayaan mo na lang po siya manang, sanay na naman po ako kay mommy. Baka may ipapagawa na naman yan sa akin kaya nagagalit na naman na hindi niya ako makausap. Akyat na po ako Manang sa silid ko, pasensya na po kung napagalitan kayo ni mommy dahil sa akin." hingi ko nang paumanhin kay Manang.
"Hindi ka man lang ba kakain iha, ipaghahanda na kita nang hapunan."
"Huwag na po manang busog pa po ako. Gusto ko na lang pong magpahinga.
Pumasok na ako sa aking silid, kung kanina sobrang saya nang nararamdaman ko now I feel so empty. Bakit parang ang hirap maging masaya? Yung pakiramdam na uuwi ka nang bahay para lang maging makungkot, yung para kang robot na kailangan sundin mo lahat nang sasabihin nang magulang mo. Wala kang sariling desisyon dahil lahat nakabase sa kung ano ang iisipin nila at kung magiging masaya ba sila sa gagawin mo. Napabuntong hininga ako nang marinig kong nag ring ang aking telepon at muling tuamtawag si Mommy.
"Where did you go? I've been calling you several times, but you're not answering. My friend saw you with those squatter people again. Won't you ever stop, Tina? You're always embarrassing me. What will my friends say when they always see you with those poor people?!" galit na galit na palatak sa akin ni Mommy. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak na lang, ang sakit isipin ganun ang iniisip niya, kung tutuusin mas tao ang asal nang mga kaibigan ko kesa sa kanila........