TINA
"Mom, baka pwede naman po kayong umattend sa meeting nang parents sa school" pakiusap ko kay mommy
"I'm sorry iha I have an important meeting to attend to, I can't be with you." walang emosyong sabi niya sa akin. "If you need companion si Manang na lang isama mo." muli niya pang sabi habang naglalakad papalayo sa akin.
"Lagi na lang si Manang hindi ba pwedeng sila ang pumunta sa meeting." naiinis kong bulong sa aking sarili.
Mula pagkabata ko ay wala akong matandaan na sinamahan nila ako sa kahit na anong event sa school, kung hindi driver ang kasama ko katulong ang pinapasama nila sa akin. Isa lang naman ang gusto ko ang maramdaman na may magulang ako.
Umakyat ako sa aking kwarto na umiiyak, ang sama lang nang loob ko kasi graduating na ako sa college pero hindi ko man lang maramdam na masaya sila para sa akin. Pinilit kong maging magaling para sa kanila pero kahit anong gawin ko balewala pa din sa kanila. Pagpasok ko sa silid ko ay padapa akong nahiga sa aking kama. Dahil sa sama nang loob ay agad akong nakatulog hapon na nang ako'y magising dahil sa mga katok na nanggagaling sa aking pinto.
Pupungas - pungas akong tumayo at binuksan ang pinto, nakangiting muka ni manang ang bumungad sa akin.
"Kaya ka pala hindi sumasagot dahil tulog ka," malumanay ang boses na sabi sa akin ni manang. "Huwag ka nang malungkot anak, busy lang ang mommy at daddy mo kaya hindi nakakapunta pag kailangan sila sa school. Hayaan mo ako na lang ang sasama sayo bukas, anong oras ba yan? At para maihanda ko na ang gown ko." biro sa akin ni manang.
"Manang naman eh," nakangiti ko na ring sabi sa kanya. "Hayaan niyo na po 'yon, ako na lang po ang attend para sa sarili ko." sabi ko kay manang sabay hawak sa balikat niya.
"Iha, lagi lang ako nandito para sayo, kaya wag mo iisipin na wala kang kakampi sa bahay na to. Sanggol ka pa lang ako na nag alaga sayo kaya kung ano man ang hilingin mo hanggat kaya kong gawin, gagawin ko para sayo." madamdaming sabi ni manang, agad namang tumulo ang aking luha dahil sa mga narinig ko sa kanya. Mabuti pa si manang may pagpapahalaga sa akin pero ang mga magulang ko kahit kailan di ko man lang nakitaan na bigyan ako kahit konting atensyon.
"Salamat po manang, alam ko naman po na sa bahay na ito kayo lang po ang kakampi ko. Maraming salamat po sa pagmamahal niyo sa akin." malungkot kong sabi.
Bumaba na kami ni manang para mananghalian may lakad kasi ako ngayon kasama ang dalawa kong kaibigan, pupunta kami sa mall para mag shopping. Madalas ito na lang ang ginagawa kong libangan kapag masama ang loob ko sa mga magulang ko.
Kung sa iba maswerte ako para sa kanila dahil sagana ako sa materyal na bagay, para sa akin ay bale wala naman lahat nang ito. Mas kinaiingitan ko pa ang mga kilala kong hindi ganun kayaman pero nakikita ko kung paano sila pahalagahan nang magulang nila. Hindi masayang mabuhay sa isang pamilyang pera ang mas binibigyan nang halaga. Para sa magulang ko mahalaga ang pera kesa sa akin dahil paano ko daw mabibili lahat nang pangangailangan ko kung walang pera. Pero para sa akin mas kailangan ko ang pagmamahal nila kesa sa sinasabi nilang materyal na bagay.
Matapos kong kumain ay bumalik ako sa aking silid para maligo at maghanda na nag chat na sa akin ang mga kaibigan ko at papunta na daw sila dito. Ngayon ko lang sila pinapunta dito dahil wala si mommy, ayaw niya kasing nakikipag kaibigan ako sa mahirap para sa kanya ay tanging mayayaman at mga anak lang nang mayaman ang pwede kong maging kaibigan.
Paglabas ko sa banyo ay narinig ko ang boses ni manang na nasa pinto.
"Tina anak, nandito na ang mga kaibigan mo hinihintay ka na nila sa baba." dinig kong sabi ni Manang.
"Okay po manang, pakisabi po pababa na din ako." malakas kong sigaw para marinig ni manang ang sinabi ko.
Nag madali na akong nag bihis pumunta kaagad ako sa walk - in closet ko para mag hanap nang maisusuot ko, napili ko ang isang tattered pants at white crop top saka ko ito tinernuhan nang white sneakers. Naglagay din ako nang light make up at saka liptint saka ko kinulot ang maitim at mahaba kong buhok. Sinipat ko ang aking sarili sa salamin at noong kuntento na ako at kinuha ako ang aking branded na shoulder bag saka ako lumabas nang aking kwarto.
Habang pababa ako nang mahaba at mataas namin hagdan ay tanaw ko na ang aking dalawang kaibigan na sina Angel at Ynah. Nakilala ko sila noong nag outreach program kami sa tondo. Hindi sila mayaman pero masaya at nagmamahalan ang kanilang pamilya. Ganoon sana ang gusto ko pamilya pero kakaiba talaga ang pamilyang meron ako, mas mahalaga sa kanila ang bawat sentimong kikitain nila sa kanilang negosyo kesa umattend sa mga event ko sa school, habang ang mga kaklase ko ay nakikita kong masaya ako nasa sulok lang at umaasam na sana kahit saglit bigyan din sana ako nang oras nila Mon and Dad para maramdaman ko din ang buo at masayang pamilya. Pero wala ganoon talaga yata hindi lahat ibibigay nang diyos, kaya hanggang sa lumaki at nagdalaga na lang ako ay unti unti ko nang nagtanggap na mas mahalaga ang kayaman kesa sa akin na anak nila.
Pag dating ko sa sala ay agad ko nang niyaya sina Angel at Ynah.
"Let's go, para marami pa tayong time na makapag libot." sabi ko sa kanila. Kita ko sa mga mata nilang dalawa ang labis na pangkamangha, nililibot pa nila ang kanila mga mata sa kabuuhan nang aming bahay.
"Tina, ang laki pala nang bahay niyo, hindi mo naman sinabi na ganito ka pala kayaman. Hindi ba magagalit ang magulang mo kapag nalaman nila na kami ang kaibigan mo." nag aalalang sabi ni Angel.
"Huwag kang mag alala wala naman dito sila mommy kaya safe tayo, saka hindi naman mag susumbong ang mga kasambahay namin dahil alam naman nila na hindi ako mahilig makipag kaibigan sa mayaman." nakangiti kong sagot kay Angel.
"Grabe Angel noh, para nang palasyo ang bahay ni Tina buti nagkakakitaan pa kayo dito?" tanong naman ni Ynah na parang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.
"Sa totoo lang ako lang naman ang nakatira dito saka ang mga kasambahay ang mga magulang ko ay laging nasa ibang bansa ganun din ang kuya ko, kaya nga mas madalas ako sumasama sa mga out reach program para hindi ko maramdaman na mag isa lang ako dito. Kung ako lang ang masusunod mas gusto ko ang pamilyang meron kayo, hindi man kayo mayaman pero mayaman nmn kayo sa pagmamahal nang inyong mga magulang." naiiyak ko na namang sabi sa kanila. " Tama na nga kayo, tara na para makapamili pa tayo nang mas madami ililibre ko kayo gusto niyo ba yon," masaya kong aya sa dalawa kong kaibigan.