TINA First day of work ko ngayon kaya maaga akong gumising, halos hindi na nga ako nakatulog dahil sa sobrang kaba. Maaga akong naligo at nag ayos nang sarili ko, alas sais pa lang ay tapos na ako kaya bumaba na ako para mag almusal. Kailangan 6:30 pa lang ay aalis na ako dahil mag cocommute lang ako. Wala akong balak na magdala nang sasakyan dahil gusto kong maranasan kung pano maging normal na empleyado. Nakarating ako ng H.M building mga seven thirty na kaya agad akong pumunta nang entrance at pinakita ko sa guard ang email na pinadala nila sa akin kahapon. Pinapasok naman ako at dumiretso sa front desk para magtanong. Ipinakita ko din sa kanila ang email na pinadala sa akin kaya sinamahan ako nang isang babae paakyat sa may 10th floor dahil nandun daw ang Finance department. Nang

